Damay Kapanalig Taal Telethon, isinagawa ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,647 total reads

Updated (7:00 am Jan. 18, 2020) Nakalikom ng kabuuang P2.7 milyong donasyon ang Caritas Manila at Radio Veritas sa katatapos lamang ng Damay Kapanalig Taal Telethon.

Patuloy pa rin ang paanyaya sa mga mananampalataya na makiisa, makibahagi at magpahatid ng kanilang tulong upang makalikom ng pondo para sa mga residente ng Batangas, Cavite, Laguna at ilan pang karatig lalawigan na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.

Ayon kay Caritas Manila executive director Fr. Anton Pascual at pangulo ng Radio Veritas, hindi pa natitiyak kung hanggang kailan magtatagal ang pagliligalig ng bulkan kaya’t mahalaga ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng tulong lalu na sa mga nasa evacuation centers.

NAAAKMANG TULONG SA EVACUEES

Panawagan din ng mga pari sa mga nagbibigay ng tulong na makipag-ugnayan sa mga evacuation centers, local na pamahalaan, at sa simbahan para alamin ang mga pangangailangan ng mga evacuees.

“Unang-una iwasan natin ang duplication na ilang grupo lang ang nabibigyan, at yung talagang pangangailangan nila kasi nasa isip natin puro pagkain, pero marami pa silang pangangailangan tulad ng mga toiletries, undergarments, diapers, gamot na talagang kapos din, kasi nga nakapokus tayo sa pagkain,” ayon kay Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Giit ni Fr. Pascual, “Tanungin natin din kung ano ang pangangailangan para ang masiguro natin ang ibibigay natin ay sukat sa pangangailangan ngayon.”

PAGHAHANDA SA REHABILITASYON

Dagdag pa ng pari, pinaghahandaan din ng social arm ng simbahan ang rehabilitation at restoration program lalu na mga taga-Batangas na nasira ang mga bahay at nasalanta maging ang mga kabuhayan.

“Nasa relief operations pa tayo. Pero naghahanda rin tayo para sa rehab. Bahagi yan’ e relief, rehab and restoration na makabalik sa normal na kalalagayan ang mga biktima ng kalamidad,” ayon kay Fr. Pascual.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa higit sa 100 libong mga residente sa loob ng 14 kilometer radius permanent danger zone ang inilikas para sa kanilang kaligtasan dahil sa napipintong malakas na pagsabog ng taal.

Sa ulat, may higit sa 100 barangay mula 12 bayan sa lalawigan ng Batangas ang pangunahing naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,157 total reads

 41,157 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,165 total reads

 121,165 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,612 total reads

 154,612 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,911 total reads

 189,911 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,883 total reads

 414,883 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 296,792 total reads

 296,792 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,132 total reads

 408,132 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top