5,123 total views
August 19, 2020
Nagpaabot ng pakikiisa at panalangin si Palo Archbishop John Du sa mamamayan ng Masbate na apektado ng 6.5 magnitude na lindol.
Nagpapasalamat naman si Archbishop Du na bagamat naramdaman ang pagyanig sa Palo Leyte ay walang naitalang pinsala sa lalawigan.
Nagpahayag din ng pag-alala ang Social Action Center ng Diocese of Legazpi sa mamamayan ng Masbate na napinsala ng lindol.
Inihayag ni Fr. Rex Paul Arjona, SAC director ng Diocese of Legazpi na nakaantabay sila upang maghatid ng tulong sa mga biktima ng lindol.
“Medyo worried tayo sa nangyari sa kanila,medyo madami ang damages.Inaantay natin ang info mula sa Caritas Masbate upang makatulong tayo sa pangangailangan nila”.pahayag ni Fr.Arjona sa Radio Veritas
Nakahanda na rin ang Damayan Kapanalig ng Caritas Manila at Radio Veritas na tumulong sa mga biktima ng lindol.
Inihayag naman ni Fr. Rhys Garrucho, Social Communication director ng Diocese of Masbate na nagsasagawa ng assessment ang Social Action Center ng Diocese of Masbate sa pangunguna ni Fr. Jenious Mansalaya sa damage ng lindol sa bayan ng Cataingan na epicenter ng lindol.
Base ulat, isang retired police officer ang nasawi sa lindol matapos matabunan ng gumuhong bahay at ikinasugat ng maraming residente.
Sa report ng Ronda Veritas, naramdaman ngayong umaga ang 5-aftershock sa bayan ng Takingan,Masbate.