Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Taumbayan, hinimok na manindigan sa culture of impunity

SHARE THE TRUTH

 351 total views

August 19, 2020

Tungkulin ng mga Kristiyano na pangalagaan ang lahat ng uri ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon.

Ito ang paalala ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa patuloy na karahasan at mga pagpaslang na nagaganap sa bansa kasunod na rin ng ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ni Kian Loyd Delos Santos.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angel Cortez, OFM ang ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ng labing-pitong taong gulang na biktima ng marahas na War on Drugs ng pamahalaan ay isang paalala sa bawat Kristiyano’t mananampalataya na patuloy na kundinahin at manindigan laban sa sistema at kultura ng karahasan at patayan na nagaganap sa lipunan.

Sinabi ng Pari na bahagi din ng paninindigan ang pagtutol sa planong pagbabalik ng capital punishment o death penalty sa Pilipinas.

Iginiit ni Fr. Cortez na hindi nagbabago ang posisyon ng Simbahan sa pagpapaalala na kasalanan ang pagpatay sapagkat tanging ang Diyos lamang ang may karapatang bumawi sa buhay na kanyang ipinagkaloob,

“Sa ikatlong anibersaryo ng kanyang [Kian Loyd Delos Santos] kamatayan ipinaaalala sa atin bilang mga Kristiyano at mananampalataya na tayo ay may tungkuling pangalagaan ang lahat ng may buhay sa lahat ng porma at uri nito. Kaya dapat natin kundinahin ang patuloy na kultura ng patayan sa ating bansa at tutulan ang planong ibalik ang death penalty.” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.

Inihayag ng Pari na si Kian Loyd Delos Santos ang kumakatawan sa libo-libong biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng Oplan Tokhang na War on Drugs ng pamahalaan.

Naniniwala si Fr. Cortez na nagbibigay pag-asa ang pagpatay kay Kian para sa iba pang mga biktima ng karahasan at kanilang pamilya na patuloy na naghahanap ng kataraungan.

Si Kian ay pinatay ng mga kawani ng Caloocan City Police noong Agosto 16, 2017 sa Barangay Santa Quiteria.

Sa tala ng World Organization Against Torture at ng Children’s Legal Rights and Development Center ay isa lamang si Kian sa hindi bababa sa 129 na menor de edad na napaslang sa apat na taong War on Drugs ng administrasyon Duterte.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,221 total views

 5,221 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,808 total views

 21,808 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,177 total views

 23,177 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,847 total views

 30,847 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,351 total views

 36,351 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 3,235 total views

 3,235 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 28,462 total views

 28,462 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 29,147 total views

 29,147 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top