Help Mindanao, panawagan ng SLP sa sambayanang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,906 total reads

Nanawagan si Sangguniang Laiko ng Pilipinas National President Bro. Albert Loteyro sa mga layko at lahat ng mananampalataya na magkaisa sa panalangin at konkretong pagtulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na 7.8-magnitude na lindol sa Mindanao.

Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Loteyro sa mga biktima ng kalamidad ang pakikiisa sa kanilang pagharap sa takot, pagdadalamhati, at kawalang-katiyakan dahil kaisa ng mga biktima ng lindol ang buong Simbahan sa diwa ng pakikiisa, malasakit, at pag-asa.

“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas, joins in prayer all our brothers and sisters affected by the recent earthquake in Mindanao. In this time of fear, loss, and uncertainty, we want them to know that they are not alone. The entire Church stands with them in solidarity, compassion, and hope.” Bahagi ng pahayag ni Loteyro sa Radyo Veritas.

Hinikayat din ni Loteyro ang mga lay leaders sa iba’t ibang Diocesan Councils of the Laity at mga National Lay Organizations na magsama-sama at mag-organisa ng mga hakbang upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga naapektuhang komunidad sa Mindanao.

Ayon kay Loteyro, ” As one family in Christ, we are called to open not only our hearts in prayer, but also our hands in service. In moments like this, our faith comes alive through acts of mercy, kindness, and generosity. Whatever help we can offer, no matter how small, becomes a sign of God’s love for those who are suffering. We lovingly appeal to our lay leaders in the different Diocesan Councils of the Laity and National Lay Organizations to come together, to organize, and to respond with compassion to the urgent needs of our brothers and sisters in Mindanao.”

Tiniyak din ni Loteyro ang pananalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na paginhawahin ng Panginoon ang mga nagdadalamhati, palakasin ang mga natatakot, pangalagaan ang mga higit na nangangailangan, at gamitin ang lahat bilang kasangkapan ng Kanyang kagalingan at kapayapaan.

Binigyang-diin ni Loteyro na sa panahon ng sakuna, higit na naipapakita ng mga Kristiyano ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng awa, kabutihan, at pagkakawanggawa para sa kapwa.

Panawagan din ni Loteyro na ipagpatuloy ang sama-samang pananalangin, pagmamalasakit, at pagkilos bilang iisang Katawan ni Kristo para sa pagbangon ng mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 13,820 total reads

 13,820 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 13,947 total reads

 13,947 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 25,035 total reads

 25,035 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 81,441 total reads

 81,441 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 204,942 total reads

 204,942 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 289,071 total reads

 289,071 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top