Mamamayan, hinimok na makiisa sa national signing day for People’s initiative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,333 total reads

Hinimok ng Dapat Isa Lang o D1L Movement ang publiko na makiisa sa isasagawang National Signing Day for People’s Initiative sa Hunyo 12 kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Dapat Isa Lang Movement Petitioner Atty. Alex Lacson, layunin ng nationwide campaign na makalikom ng mga lagda upang maisulong ang pagpasa ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa bansa sa pamamagitan ng People’s Initiative.

“Sa June 12 which is the National Independence Day sinet po natin yan as National Signing Day for People Initiative,” Bahagi ng paanyaya ni Lacson sa Radyo Veritas.

Paliwanag ni Lacson, magtatakda ang D1L Movement ng mga lugar sa iba’t ibang distrito sa bansa kung saan maaaring pumunta at lumagda ang mga mamamayan bilang suporta sa panukala na pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa Pilipinas.

“Para makapasa tayo ng genuine na Anti-Political Dynasty Law, nationwide campaign ang gagawin natin,” Dagdag pa ni Lacson.

Isinusulong ng Dapat Isa Lang o D1L Movement ang pagpapatibay ng isang tunay na batas laban sa political dynasty sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Ayon sa kilusan, layunin nitong wakasan ang siklo ng korapsyon at kahirapan na dulot na rin ng dominasyon ng iilang pamilya sa politika.

Iminumungkahi ng panukala na limitahan sa isang posisyon lamang ang maaaring hawakan ng isang pamilya sa bawat antas ng pamahalaan, saklaw ang mga kamag-anak hanggang ika-apat na antas.

Sa ilalim ng People’s Initiative, kinakailangan ang lagda ng 10 porsyento ng rehistradong botante sa buong bansa at 3 porsyento sa bawat distrito upang maisulong ang panukala sa plebisito.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 12,639 total reads

 12,639 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,766 total reads

 12,766 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 23,324 total reads

 23,324 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 79,730 total reads

 79,730 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 203,231 total reads

 203,231 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 287,437 total reads

 287,437 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top