5-layko, ginawaran ng Papal award

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 621 total reads

August 19, 2020

Malugod na ibinahagi ng Diyosesis ng Balanga sa pangunguna ni Bishop Ruperto Santos ang biyayang kaloob ng Panginoon sa Pilipinas partikular sa Bataan sa gitna ng pandemyang dulot ng corona virus.

Ayon sa obispo ilang indibidwal sa diyosesis ang ginawaran ng Pro Ecclesiae et Pro Pontifice (For the Church and Pope) award, ang pinakamataas na pagkilala ng simbahang katolika na ibinibigay ng Santo Papa para sa mga layko.

Kinilala ang mga papal awardee na sina Digna Calina, Maria Basilia Garcia, Sonia Rufin at Leticia Viizcayno habang si Victor Quizon naman ay tatanggap ng papal Knight of Saint Sylvester.

Paliwanag ni Bishop Santos, ito ay magsisilbing huwaran upang ipagpatuloy ang kanilang mabubuting halimbawa ng paglilingkod sa simbahan na katuwang ni Hesus sa misyong ipalaganap ang mabuting balita.

“It is inspiration for them to continue their lives of services and sacrifices to the Diocese as the Church is very grateful their exemplary Christian living,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na ito ay patunay ng kanilang tauspusong paglilingkod sa kapwa, pamumuhay ayon sa turo ng simbahang katolika at pagsasabuhay sa bokasyon ng pag-aasawa na nagtataguyod ng kani-kanilang pamilya.

“They have shown dedication and devotion to their Catholic Faith and obligations; being true to their vocations as faithful wives and husband and as responsible parents and law abiding lay people,” dagdag ng obispo.

Binigyang diin ni Bishop Santos na dapat papurihan ang Diyos sa biyayang kaloob na tinatanggap ng ilang layko lalo na ngayong humaharap sa matinding pagsubok ang sanlibutan dahil sa COVID-19.

Nagpasalamat din ito sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pagkilala ng mga layko mula sa kanyang diyosesis sapagkat makatutulong ito na mas mapalago pa ang pananampalatayang katoliko sa pamamagitan ng inspirasyong naibibigay ng naturang pagkilala.

Giit ni Bishop Santos na ito ay magsisilbing huwaran sa iba pang mananampalataya na mamuhay sa Kristiyanong pamamaraan na nakasusunod sa mga utos ng Panginoon.

“As we recognise how they firmly and with fidelity live our Catholic Faith, this also serve as encouragement for others to persevere in their Christian living in spite of trials of life and temptations to go against the teachings of the Church,” saad pa ni Bishop Santos.

Matatandaang nauna nang ginawaran ng papal award ang tanyag na aktres na si Ai-ai delas Alas sa ambag nito sa simbahang katolika at ang kilalang singer song writer composer na si Maestro Ryan Cayabyab.

Ang paggawad ng pagkilala sa mga layko ay unang itinatag ni Pope Leo XIII noong ika – 17 ng Hulyo 1888 bilang paggunita sa kanyang ika – 50 taon bilang pari.

Iginawad ng noo’y Santo Papa ang papal award sa mga indibidwal na tumulong upang maging matagumpay ang paggunita sa ikalimang dekadang paglilingkod sa simbahan at ng Vatican Exposition.

Ginawang permanent distinction ang papal award noong Oktubre 1898.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 9,555 total reads

 9,555 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 64,537 total reads

 64,537 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 149,902 total reads

 149,902 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 196,639 total reads

 196,639 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 244,511 total reads

 244,511 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 345,296 total reads

 345,296 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top