Bawat krisis ay isang pagkakataon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 760 total reads

August 19, 2020

Manila,Philippines — Sa kasalukuyang pandemya ito ay ang pagkakataon ng bawat isa na makatulong sa kanyang kapwa.

Ito ang binigyan diin ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kaugnay na rin sa mga programang inilulunsad ng simbahan para magbigay tulong sa mga mahihirap.

Patuloy naman ang panawagan ng Caritas Manila ng suporta at pagtangkilik sa Ligtas Covid-19 campaign na siyang pinanggagalingan ng mga ipinamamahaging tulong sa iba’t ibang pamayanan sa Metro Manila at karatig lalawigan.

“Mayroong silver lining sa bawat krisis. Kaya ipakita natin ang opportunities sa krisis na ito, para lalo tayong magmalasakit at makita nila ang kahalagahan ng Simbahan at ang misyon ng Panginoon sa pagpapahalaga sa buhay at pagpalaganap ng dakilang awa ng Diyos,”pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Naghahanda na rin ang social arm ng simbahan sa pagbubukas ng klase at paglikom ng halagang gagamitin sa pagbibigay ng mga gadget at tablet para sa 4,500 college scholars sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.

Ito ay bukod pa sa 500 college scholars na pawang mga anak ng tsuper ng jeep na labis na naapektuhan ng pandemya at modernization program sa transportasyon.

“Mas malawak ang grasya ng Diyos. Kaya tulong tulong lang tayo, makakaipon din tayo ng sapat na pondo para sa ating mga kababayan,” ayon pa sa pari.

Higit sa 1,000 mga tsuper ng jeep din ang nabibiyayaan ng manna bags ng Caritas habang pinag-aaralan na rin ang pagbuo ng koopretiba para sa sektor ng transportasyon.

Ito ay bahagi ng long term solution upang magkaroon ng sariling pagkakakitaan ang mga driver para sa kanilang pamilya.

Una na ring inihayag ng Department of Labor and Employment na higit sa 45 porsiyento ng mga manggagawa ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemic novel coronavirus

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,627 total reads

 10,627 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 66,085 total reads

 66,085 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,450 total reads

 151,450 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 198,187 total reads

 198,187 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 246,059 total reads

 246,059 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,759 total reads

 346,759 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top