Archdiocese of Jaro, nagpaabot ng pagbati kay CBCP President Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 932 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Archdiocese of Jaro sa bagong halal na pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Sa pangunguna ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ay tiniyak ng buong arkidiyosesis ang suporta sa bagong misyon at tungkulin ni Bishop David bilang pangulo ng kalipunan ng mga Obispo sa Pilipinas.

Bukod sa suporta tiniyak rin ng Archdiocese of Jaro ang pananalangin para sa Obispo na kasalukuyang nagsisilbi bilang Vice President ng kalipunan sa loob ng dalawang termino o apat na taon.

“Archbishop Jose Romeo O. Lazo, D.D. and the faithful of the Archdiocese of Jaro congratulate His Excellency, Most Rev. Pablo Virgillo S. David, D.D. Bishop of Kalookan, in his election as the new CBCP President! We assure him of our prayers and support in his new mission in the Catholic Church in the Philippines. Our cordial greetings and prayers on your election, Bishop Ambo!” Ang bahagi ng pagbati ng Archdiocese of Jaro.

Samantala, hinirang naman na Vice President ng CBCP si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na kasalukuyang kasapi ng CBCP Permanent Council.

Naihalal ang bagong president at vice president ng CBCP kasabay ng unang araw ng virtual plenary assembly ng kalipunan ng mga Obispo na binubuo ng may 130-Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Pormal namang magsisimula ang dalawang taong panunungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng kalipunan sa unang araw ng Disyembre ng kasalukuyang taong 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 78,021 total reads

 78,021 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 118,580 total reads

 118,580 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 141,748 total reads

 141,748 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 190,016 total reads

 190,016 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 209,056 total reads

 209,056 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top