Archdiocese of Manila, magbibigay ng 4-milyong pisong tulong sa mga biktima ng bagyong Maring

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total reads

Inihahanda na ng Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng social arm nito na Caritas Manila ang tulong para sa mga naapektuhan ng bagyong Maring sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at pangulo ng Radyo Veritas, nakahanda na ang pondo para itulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

Sinabi ni Fr.Pascual na naglaan ang Archdiocese of Manila ng P2 milyong piso para sa rehabilitation and livelihood program na maaaring isagawa sa mga naapektuhang parokya.

Inihayag ng Pari na P2 milyong piso din ang ilalaan ng Caritas Manila para sa kabuuan na P4 na milyong piso.

Umaapela naman si Fr. Pascual sa mga kapanalig na maglaan din ng pagtulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Isa ang Archdiocese ng Nueva Segovia sa lalawigan ng Ilocos Sur sa mga labis na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Maring.

Naunang inihayag ng NASSA Caritas Philippines na tutugon ito sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyo kung saan naglabas na ito ng paunang P500 libong piso na tulong habang inaasahan na magbibigay pa ito ng karagdagan ayuda para sa mga naapektuhan ang kanilang kabuhayan.

Kaugnay nito, magsasagawa naman ng pagpupulong ang Diocese of Baguio upang alamin ang pagtulong na isasagawa sa kanilang mga naapektuhan na kababayan.

“May meeting kami this afternoon sisilipin namin ang quick assessment namin sa mga nasalanta ng bagyong Maring” Pahayag ni Fr. Noel Panayo, Social Action Director ng Diocese of Baguio.

Nagsagawa na din ng mga relief operation ang Archdiocese of Lingayen – Dagupan sa mga lugar na sinalanta ng pagbaha.

“Sa awa ng Diyos tuyo na ang Dagupan pero yun ibang side ng Calasiao yun malapit sa river may tubig pa na konti.. May mga relief operations na ginawa na ang mga Parokya automatic na yun na kapag may pagbaha may mga relief asssitance na din ang mga parokya” pahayag ni Janice Hebron ng Social Action Center ng nasabing Arkidiyosesis.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Office aabot sa 158, 510 pamilya o 626, 177 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Maring partikular na sa Region 1, Region 2. Region 8 at CARAGA.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 11,882 total reads

 11,882 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 28,861 total reads

 28,861 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 131,757 total reads

 131,757 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 172,315 total reads

 172,315 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 192,769 total reads

 192,769 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 240,494 total reads

 240,494 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 108,541 total reads

 108,541 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top