Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese of San Fernando Pampanga, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

 224 total views

Umapela ang Archdiocese of San Fernando, Pampanga ng tulong para sa mga residente na apektado pa rin ng pagbaha dulot ng ilang araw na pananalasa ng Habagat.

Sa datos na ipinadala ng Social Action Center of Pampanga, umabot sa 41, 408 na pamilya o 182,730 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha sa kanilang lalawigan partikular na sa munisipalidad ng Sto. Tomas, Guagua, Lubao, Sta. Rita at lungsod ng San Fernando.

Aabot naman sa 10 mga parokya ng Archdiocese of San Fernando ang apektado ng pagbaha at nangangailangan ng tulong.

“Ten parishes in the affected municipalities of Sto. Tomas, Guauga, Lubao and Sta. Rita and the City of San Fernando are appealing for assistance. May we then request your good office to extend the assistance they need, the most vital are ready to eat and easy to cook food and drinking water, hygiene kit (soap and towel, toothbrush and toothpaste) and medicine for cough, colds and skin allergies,”apela ni Father Kenneth Alde, Social Action Director ng Archdiocese of San Fernando.

Kaugnay nito, inihayag naman ng Diocese of Imus sa lalawigan ng Cavite na nagpadala sila ng 10 kaban ng bigas para sa mga residente na naapektuhan din ng pagbaha sa bayan ng Rosario, Tanza at Cavite City.

Una naman nang nagsagawa ng relief operation ang Diocese of Malolos sa dalawang Bayan ng Bulacan kung saan aabot sa halagang 40 libong piso ang ipinadala nito para sa may 250 pamilya sa Meycauyan at Marilao.

Sa datos ng NDRRMC aabot sa halos 20 libong mga pamilya ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng Habagat habang nasa 13 na ang nasasawi.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,583 total views

 29,583 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,300 total views

 41,300 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 62,133 total views

 62,133 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,553 total views

 78,553 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,787 total views

 87,787 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 16,155 total views

 16,155 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Sorsogon, umaapela ng tulong

 16,827 total views

 16,827 total views Kumikilos na para makatulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan ang Social Action Center ng Diocese of Sorsogon. Batay sa monitoring

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top