Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pananalig sa Panginoon, panatilihin sa harap ng mga sakuna

SHARE THE TRUTH

 255 total views

Hinimok ng isang Obispo ang mamamayan na panatilihin ang pananalig sa Panginoon sa gitna ng dinaranas ng bansa na mga sakuna.

Ayon kay Diocese of Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, kinakailangan ng mas masidhing pananampalataya at pananalangin sa Panginoon upang malampasan ng mga Filipino ang kalamidad na dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan bunsod ng Habagat.

Dagdag pa ni Bishop Iñiguez, sa gitna ng mga pagsubok na ito sa ating bansa, ay dito masusukat ang pagpapamalas ng pagtutulungan at pagmamalasakit ng bawat Filipino sa kanilang kapwa.

“Sa ating lahat ngayon ito ay tunay na isang malaking bahagi ng ating paghihirap. Isang paghihirap na bunga na rin ng kalikasan, hindi natin ito maiiwasan pero isang pagkakataon ito upang magsama-sama tayo bilang isang sambayanan upang makalusot tayo dito ng maayos,” ang bahagi ng pahayag ni Bp. Iñiguez sa Radyo Veritas.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council, umabot na sa 13 ang indibidwal na nasawi dahil sa South West monsoon o habagat na pinalalakas ng tatlong weather circulations sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Naitala rin na ang 55,963 na bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad na na may kabuuang bilang na 262,271 indibidwal.

Sa kabuuan umabot nang P6,276,000.05 ang halaga ng relief assistance na naipamahagi ng NDRRMC sa mga apektadong lugar sa NCR, Region III, CALABARZON at Negros Island Region.

Samantala, nakapagbahagi narin ng P481,675.00 na halaga ng tulong ang Simbahang Katolika partikular ng Caritas Manila at Quiapo Church sa mga apektadong lugar.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,240 total views

 29,240 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,957 total views

 40,957 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,790 total views

 61,790 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,212 total views

 78,212 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,446 total views

 87,446 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Veritas NewMedia

Oplan Linog, binuo ng DSWD

 3,105 total views

 3,105 total views Bumuo ang Department of Social Welfare and Development ng action plan na tatawaging Oplan Linog upang palakasin ang malawakang pagtugon sa pangangailangan ng

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Disaster preparedness, pinaigting pa ng LGUs

 3,368 total views

 3,368 total views Tiniyak ng Department of Interior and Local Government na mas pinaigting ang disaster preparedness sa bawat munisipyo sa mga lalawigan sa bansa. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top