Arsobispo, nagpaabot ng liham pasasalamat sa pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 671 total reads

Nagpaabot ng liham pasasalamat si Lipa Archbishop Ramon Arguelles – chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa malinaw na pagmamahal nito sa kalikasan.

Sa liham, ipinagpasalamat ng Arsobispo sa Pangulo ang pagtatalaga nito ng isang matapang at may paninindigan na kalihim sa ahensyang nangangalaga sa Kalikasan.

“We are gifted with the strong advocacy of Ms. Gina Lopez whom you have appointed DENR Secretary. We thank God for her dedication to bring change for the better in the graft ridden department that has not honestly served our people particularly the poor.” bahagi ng liham ng Arsobispo sa Pangulo.

Kaugnay dito, inihayag rin ng Arsobispo ang kanilang pagsuporta kasama ang grupo ng Pari’t Laykong Laudato Si, na kinakatawan ang mga naninirahan sa Southern Tagalog Region.

Sa liham, tiniyak ng Arsobispo na sinusuportahan nila ang lahat ng proyekto ng DENR kabilang na ang pagsasaayos ng mining industry sa bansa, ang paglilinis sa Laguna Lake, ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga katutubo at ang pagtuturo upang mapasigla ang turismo habang patuloy na napoprotektahan ang kalikasan.

“We are supporting Gina Lopez who courageously implements your administration’s policy to protect the amazing gift of the Creator to all Filipinos of all generations.”pahayag ng Arsobispo.

Hiniling naman ng Arsobispo sa Pangulo na panatilihin bilang kalihim ng DENR si Lopez sa kabila ng mga bantang maaaring mapalitan ang kasalukuyang kalihim ng ahensya.

Aniya, marami sa Filipino partikular na ang mga katutubong Southern Tagalog ang umaasa sa kalihim at naniniwala sa mabuti nitong hangarin na matulungan at mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

“In the name of millions of inhabitants of Southern Tagalog region, may I humbly appeal to you to retain Ms. Gina Lopez as DENR Secretary and support her efforts to protect our beautiful and rich natural resources.”apela ni Abp. Arguelles kay Pangulong Duterte.
Letter of Lipa Archbishop Ramon Arguelles, D.D. to President Rodrigo Duterte

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 69,269 total reads

 69,269 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 147,907 total reads

 147,907 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 181,355 total reads

 181,355 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 216,652 total reads

 216,652 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 440,361 total reads

 440,361 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,981 total reads

 37,981 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,867 total reads

 30,867 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top