Karapatan ng Katutubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,655 total reads

Ang mga karapatan ng mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay dapat na pakaingatan. Sa ating bansa, maraming insidente ng paglapastangan ng karapatan ng IPs.

Ayon sa UNDP, tinatayang may 14 hanggang 17 million na IPs sa ating bayan. Sila ay nagmumula sa 110 ethno-linguistic groups. Karamihan sa kanila ay nakatira sa Northern Luzon, Mindanao, at may iba sa Visayas.

Ang Republic Act 8371 o ang tinatawag na “Indigenous Peoples Rights Act” (1997, IPRA) ay isa sa mga pinakamahalagang batas na nangangalaga sa mga IPs sa ating bansa. Kaya lamang, kahit na may polisiya upang sila ay mabigyan ng proteksyon, marami pa ring mga IPs ang nalalapastangan, at kadalasan, ito ay dahil sa isyung ancestral domain at lupa.

Sa maraming mga lugar sa ating bansa, ang mga IPs ay sinasadya ng mga mamumuhunan upang bilhin sa sobrang murang halaga, na kadalasan ay hindi ayon sa fair market value, ang kanilang mga lupa upang i-develop ito bilang mga resorts o iba pang mga establisyemento.

Marami ring pagkakataon, lalo sa mga lugar ng mga minahan, kung saan ang mga IPs ay hindi nakokonsulta sa mga pagbabagong gagawin sa kanilang pamayanan. Ang kanilang mga tinitirhan at mga lugar kung saan kumukuha sila ng kabuhayan ay sinisira ng mga minahan, tulad ng mga ilog kung saan sila nangingisda at mga kagubatan kung saan sila nangangahoy.

Ang isyu rin ng conflict ay nakaka-apekto sa buhay ng mga IPs. Maraming mga bata ang nata-traumatize dahil sa mga panaka-nakang putukan. Maraming mga bata ang natitigil sa pag-aaral, marami ang nadi-displace o nawawalan ng tahahan, marami ang walang mapuntahan.

Ang IPs ay kailangan ng atensyon, lalo pa’t salat sila sa proteksyon ng lipunan. Hindi natin napapansin dahil sila ay nasa margins o laylayan lamang. Pero kapanalig, respeto sa buhay ang hinihingi ng pagkakataong ito. Ang mga lupang kinukuha sa mga IPs ay hindi lamang material na bagay para sa kanila, ito ay buhay.

Kapanalig, ang ating Panlipunang Turo ng Simbahan ay nag-uudyok sa atin na isabuhay ang preferential option for the poor. Magagawa ito kahit sa maliliit na paraan, gaya ng paniniguro na ang ating mga negosyo ay hindi nakaksira ng buhay, bagkus nakakatulong pa sa mga katutubo. Makikita rin ito sa pangangalaga ng kalikasan, kung saan highly dependent ang ating mga kapatid na IPs.

Kapanalig, bilang mga kristyanong katoliko, obligasyon nating isiguro ang katarungan sa ating bayan, maging sa buong mundo. Ang Economic Justice for All ng US Bishops ay may munting aral na nawa’y umantig sa ating puso: The obligation to provide justice for all means that the poor have the single most urgent economic claim on the conscience of the nation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 71,473 total reads

 71,473 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,034 total reads

 150,034 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 183,482 total reads

 183,482 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 218,779 total reads

 218,779 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 442,399 total reads

 442,399 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 71,475 total reads

 71,475 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,036 total reads

 150,036 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 183,484 total reads

 183,484 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 218,781 total reads

 218,781 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top