133,234 total views
The Filipino people have the right to know the truth!
Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi itong bastion ng soberenya ng mga Pilipino at naging guardian ng pambansang legislative process. Pero sa nakaraang mga taon, ang commitment ng Senado sa principles ng demokrasya, transparency at accountability ay unti-unti nang nakakalimutan… naisasantabi dahil sa pulitika.
Halimbawa nito, ang ginagawang “delaying tactics” ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pag-convene ng impeachment court at pagsisimula ng impeachment trial laban kay VP Sara Duterte na unang itinakda ng Senate President noong a-2 ng Hunyo, 2025. Bago ang nakatakdang petsa, mabilis na kumambiyo ang pangulo ng Senado., Muling itinakda ang pagko-convene ng impeachment court sa ika-11 ng Hunyo, 2025 dalawang araw na lamang bago mag-adjourn ang 19th Congress. Hindi ba halata ang galawan ni Escudero? Anuman ang magiging desisyon ng 19th Congress ay hindi ito maging hadlang sa 20th Congress na opisyal na magko-convene sa July 29,2025 matapos ang SONA ni PBBM sa July 28, 2025. Ibig kahit nagdesisyon ang 19th Congress na ituloy ang impeachment trial ay maari itong ibasura ng 20th Congress dahil uupong Senator judges ang mga kaalyadong Senador ni VP Sara. Ang urong-sulong na desisyon ni Escudero ay itinuturing ng mga kongresista na paglabag sa 1987 constitution o Saligang Batas ng Pilipinas.
Kapanalig, may kinakatakutan ba ang Senate President? Mayroong bang maimpluwensiyang tao na pumipigil kay Escudero na iharap sa impeachment trial ang bise-presidente ng bansa? Pakiusap ng taumbayan, huwag niyo na kaming lokohin Mr. Senate President, sinasadya mong i-delay ang impeachment trial… at kapag kapos na sa oras, tuluyan na itong mababasura! Katwiran ni Escudero kung bakit hindi ginagalaw ng Senado ang articles of impeachment dahil abala ang mga Senador sa top priority legislation na kailangang maisabatas bago ang mag-adjourn ang 19th Congress.
Kapanalig, itinuturing ni Sonny Africa ng IBON foundation ang delaying tactics ni Escudero na “neglect of duty at obstruction”. May inuuna ng mga Senador sa pamumuno ni Escudero ang panibagong batas sa buwis, lay-off ng mga kawani ng gobyerno, pa-pogi sa mga dayuhang mamumuhunan, muling pagpapalawig sa termino ng mga opisyal ng barangay at iba pang walang kabuluhang panukala.. Para sa mga Senador, mas importante ang Denatured Alcohol Tax., Rationalization of the Fiscal Mining Regime., Government Optimization Act., Amendments to the Foreign Investors’ Long-Term Lease Act.,Amendments to the Right-of-Way Act., Setting the Term of Office for Barangay Officials and Sangguniang Kabataan Members., E-Governance Act., Open Access in Data Transmission., Amendments to the Universal Health Care Act., Virology Institute of the Philippines., Judicial Fiscal Autonomy at Anti-POGO Act kaysa sa “forthwith”…ASAP o agarang paglilitis sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan na accountable sa pang-aabuso sa kapangpayarihan.
Bilang pinuno ng kapita-pitagang August chamber, tungkulin ni Escudero Kapanalig, na isa-alang-alang ang kapakanan ng mga Pilipino., manindigan sa katotohanan., sa kabutihan… huwag matakot sa bantang kudeta., huwag matakot maalis na Senate President…ang tunay na “Servant leader”, inaakap ang pinagsisilbihang mamamayan, nilalabanan ang masama, itinutuwid ang baluktot.
Kapanalig, isabuhay natin ang turo sa “Mark 10:42-45. “Jesus called them together and said, ‘You know that those who are regarded as rulers of the Gentiles lord it over them, and their high officials exercise authority over them. Not so with you. Instead, whoever wants to become great among you must be your servant, and whoever wants to be first must be slave of all. For even the Son of Man did not come to be served, but to serve, and to give his life as a ransom for many”.
Sumainyo ang Katotohanan.