Sa totoo lang Kapanalig, wala talagang panalo ang mga dukha laban sa mayayaman. Sa fishing industry ng Pilipinas., Panalong-panalo naman ang mga malalaking commercial fishing companies kontra sa “small time fisherfolks”.
Sa ating bansa, mayorya sa mga batas ay anti-poor., nilikha ang maraming batas sa Pilipinas para sa interes ng mga mayayaman, nasa poder at mga politiko.
Sa kasalukuyan, lumalaki ang huli ng mga commercial fishing habang bagsak naman ang produksyon ng mga small time na mangingisda gamit ang maliliit na bangka na kadalasan ay di-sagwan.
Bakit lumalaki ang huli ng commercial at bumabagsak naman ang huli ng “inland at malilit na mangingisda?
Ang dahilan Kapanalig., ang may kasalanan., ay ang Korte Suprema. Dati, mayroong 15-kilometro na exclusive zone sa mga municipal waters para sa mga maliliit na mangingisda., hindi maaring mangisda dito ang mga commercial fishing.
Pero noong 2025, kinatigan ng Korte Suprema ang ruling ng isang municipal trial court na unconstitutional para sa Fisheries Code of the Philippines na magbigay ng preferential provisions. Ibig sabihin, sa desisyon ng Korte Suprema, pinapayagan nito ang commercial fishing o malalaking barkong pangisda sa 15-kilometer zone ng mga municipal water sa bansa na dating nakalaan lamang sa mga maliliit na mangingisda. Ang kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda ay nanganganib na mawala.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA) nitong February 2026., ang output mula sa municipal fisheries mula 879,961.58-metriko-tonelada noong 2023 ay bumaba ito sa 749,366.40-metric tons noong 2025.
Ang nakakalungkot Kapanalig, ang huli ng commercial fishing na 822,427.47-metric tons noong 2023 ay tumataas sa 849,498-metriko-tonelada noong 2025.
Mayroong prinsipyo sa batas na nagsasabing, substantial justice ay dapat manaig laban sa teknikalidad na batayan ng desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay ng go-signal sa commercial fishing na agawin ang kabuhayan ng mga small time na mangingisda.
Nasaan ang hustisya Kapanalig? Dahil sa teknikalidad, binigyan ng SC ng armas ang mga commercial fishing companies na patayin ang maliliit na mangingisda?
Ang siste Kapanalig, hindi sang-ayon ang Department of Agriculture sa naging desisyon ng Korte Suprema. Naghain na ang DA ng motion for reconsideration nan aka-pending ngayon sa SC?
Kabalintunaan ang pagtutol ng DA., bakit? ang kasalukuyang kalihim ng Department of Agriculture ay may-ari ng pinaka-malaking commercial fishing sa Pilipinas. Paano mababaliktad ang desisyon ng SC pabor sa mga maliliit na mangingisda kung ang mismong pinuno ng ahensiya ng pamahalaan ay nakikinabang o lumalaki ang kita?
Sa kanyang address sa maritime world noong 2024 sa paggunita ng World Fisheries Day, sinabi ng namayapang Pope Francis“In the Gospel, fishermen embody important attitudes. For example, perseverance in toil: the disciples are described as “distressed in rowing” (Mk 6:48), due to the headwind, or still weary from failure when they return to land empty-handed, saying: “We have worked hard all night and have caught nothing” (Lk 5:5). And that is exactly how it is: your work is hard, requiring sacrifice and tenacity, faced with both the usual challenges and urgent new problems, such as the difficult generational change, the costs that continue to grow, stifling bureaucracy, and unfair competition from large multinationals. However, this does not discourage you; on the contrary, it fuels another of your characteristics: unity.
Sumainyo ang Katotohanan.






