Cardinal Advincula, pinangunahan ang pamimigay ng tulong sa mga nasunugan sa Brgy.655

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total reads

Tiniyak ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga biktima ng sakuna na kasama nila ang simbahan sa anumang pagsubok na kaharapin.

Pangako ito ni Cardinal Advincula, na siya ring Chairman ng Caritas Manila sa pamamahagi ng tulong ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sa mga nasunugang residente ng Baranggay 655 Intramuros Manila katuwang ang San Agustin Church – Our Lady of Immaculate Conception Cathedral at One Cooperative Bank.

“Ang Diyos ay nagpapakita ng Kanyang pagmamahal sa inyo sa pamamagitan ng inyong mga kapatid, ng mga ibang tao na nagtutulong sa inyo. Ngayon ang nagtutulong sa inyo ay ang mga kapatid natin na sa parokya sa kapighatian. Kaya narito ang Caritas Manila bilang isang organisasyon ng simbahan na ang kanyang talagang ginagawa ay ang paghatid ng tulong, pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos sa mga tao,” ayon sa mensahe ni Cardinal Advincula.

Tiniyak naman ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual na nakahanda ang social arm anumang oras na tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipinong malalagay sa panganib at pangangailangan ang pamumuhay.

Sa ulat, 600 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog.

“Dito sa Barangay 655 sa Intramuros, halos 600 families ang nasunugan dito. May namatay pa. Kaya narito ang Caritas Manila – Caritas Damayan. Kasama natin ang San Agustin at ang Archdiocese of Manila para mabigyan ng relief at rehab ang mga kawawang kababayan natin na nasunugan dito noong nakaraang linggo. Nawa yung ating mga pagkain, mga gamot na binigay sa kanila ay makatulong ng sumandali. At ipagdasal po natin ang mga nasunugan. Sabi nga eh, manakawan ka na, huwag ka lang masunugan.” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Sa tala ng Caritas Manila, umabot sa 200 pamilyang nasunugan ang nabigyan ng tulong tulad ng pagkain, jerry cans at iba pang pangunahing pangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 106,850 total reads

 106,850 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 183,348 total reads

 183,348 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 216,796 total reads

 216,796 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 252,096 total reads

 252,096 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 474,446 total reads

 474,446 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top