Parokya sa Beirut, binuksan para sa mga migranteng naghahanap ng ligtas na lugar: Tanging Yaman Foundation, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 502 total reads

Nanawagan ng agarang tulong ang Tanging Yaman Foundation sa pangunguna ni Fr. Manoling Francisco, SJ para sa mga migranteng naapektuhan ng lumalalang tensyon at kaguluhan sa Gitnang Silangan, partikular sa Lebanon.

Sa inilabas na panawagan, ibinahagi ng foundation ang kalagayan ng mahigit 130 migrante na kasalukuyang kinukupkop sa Parish of St. Joseph, Beirut sa pamumuno ni Fr. Henry Ponce, SJ.

“Due to the conflict in the Middle East, the Parish of St. Joseph, Beirut, Lebanon, under Fr. Henry Ponce, SJ, is providing refuge to over 130 displaced migrants. They are in dire need of food, water, medicines, and blankets. They also need funds to rent another facility in order to accommodate more refugees.”

Napilitang lumikas ang mga migranteng ito mula sa kanilang mga tirahan dahil sa patuloy na kaguluhan sa rehiyon kaya’t agarang kinakailangan ang tulong tulad ng pagkain, malinis na tubig, gamot, at mga kumot.

Bukod dito, nangangailangan din ng karagdagang pondo upang makapag-upa ng isa pang pasilidad na magsisilbing pansamantalang matutuluyan ng mas marami pang refugee na naghahanap ng ligtas na kanlungan.

Ayon sa foundation, ang panawagan ay bahagi ng mas malawak na misyong tumulong sa mga komunidad at indibidwal na nahaharap sa krisis at matinding pangangailangan.

Umaasa ang organisasyon na sa pakikipagtulungan ng mga indibidwal, simbahan, at iba pang institusyon ay makakalap ng sapat na tulong para sa mga migranteng apektado ng digmaan.

Maaaring ipadala ang mga donasyon sa Metrobank account na 448-7-44801314-2 o sa BPI Loyola Katipunan Branch account na 3081-1213-45.

Maaari ring magbigay sa pamamagitan ng mga QR code ng e-wallets na matatagpuan sa opisyal na Facebook page ng foundation na Tanging Yaman Foundation.

Para sa transparency, hinihikayat ng foundation ang mga donor na ipadala ang kanilang transaction o deposit slip kasama ang kumpletong pangalan, address, at contact number sa [email protected] upang mabigyan ng donation invoice.

Sa pamamagitan ng mga donasyon, inaasahang matutugunan ang agarang pangangailangan ng mga lumikas at mabibigyan sila ng pansamantalang kanlungan habang nagpapatuloy ang krisis sa rehiyon.

Batay sa datos ng pamahalaan, tinatayang may humigit-kumulang 30,000 Pilipino ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Lebanon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 49,041 total reads

 49,041 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 86,360 total reads

 86,360 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 121,659 total reads

 121,659 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 347,929 total reads

 347,929 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 238,499 total reads

 238,499 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top