Tunay na lakas ng Simbahan, nasa pagkakaisa at pag-ibig ng mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 474 total reads

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang Simbahan ay isang realidad na pawang makatao at banal na patuloy na nabubuhay sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Sa kanyang katekesismo hinggil sa Lumen Gentium ng Second Vatican Council, ipinaliwanag ng Santo Papa ang tunay na kalikasan ng Simbahan bilang isang misteryong may dalawang dimensyong nakatuon sa pagiging makalupa at espiritwal.

Ayon kay Pope Leo, hindi maaaring maunawaan ang Simbahan kung titingnan lamang ito bilang isang institusyon o organisasyon.

“The Church is at the same time an earthly community and the mystical body of Christ, a visible assembly and a spiritual mystery,” ayon kay Pope Leo XIV.

Paliwanag ng santo papa na bagamat ang Simbahan ay binubuo ng mga taong may kahinaan at pagkakamali, dito rin ipinakikita ng Diyos ang kanyang presensya at pagkilos sa mundo.

“She is a reality that is both human and divine, which welcomes the sinful man and leads him to God,” ani Pope Leo XIV.

Nilinaw din ng Santo Papa na hindi dapat asahan ang isang Simbahang ganap at hiwalay sa mga suliranin ng mundo.

“An ideal and pure Church, separated from the earth, does not exist; only the one Church of Christ, embodied in history,” paliwanag ng Santo Papa.

Ayon pa kay Pope Leo, ang misyon ng Simbahan ay nagmumula sa plano ng Diyos para sa sangkatauhan na ipinahayag sa pagkakatawang tao ni Hesukristo.

Sa kabila ng kahinaan ng mga kasapi nito, ipinaliwanag ng Santo Papa na dito rin nakikita ang pamamaraan ng Diyos sa pagpapakita ng kanyang kapangyarihan.
“Christ’s presence and his saving action are manifested through the smallness and fragility of her members,” dagdag ni Pope Leo XIV.

Hinimok din ng Santo Papa ang mga mananampalataya na patuloy itaguyod ang Simbahan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pag-ibig.

Paalala ng pastol na ang tunay na lakas ng Simbahan ay hindi lamang nakasalalay sa mga istruktura o organisasyon nito kundi sa pamumuhay ng mga mananampalataya sa diwa ng pag-ibig at pakikipagkapwa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,140 total reads

 11,140 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,442 total reads

 12,442 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,240 total reads

 26,240 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,618 total reads

 63,618 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,888 total reads

 94,888 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,431 total reads

 170,431 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,391 total reads

 263,391 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,141 total reads

 11,141 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top