VeritasPH

The Word, The Truth

Banta sa mga mamamahayag, banta sa kalayaan

SHARE THE TRUTH

 473 total views

Mga Kapanalig, nitong nakalipas na linggo, may isinagawang pagbisita ang mga pulis sa mga mamamahayag upang bigyan daw sila ng proteksyon matapos ang naganap na pagpaslang sa kilalang brodkaster na si Percy Lapid. Ayon sa isang nabisitang mamamahayag, kinukuha ng mga pulis ang kanilang address at contact number mula sa barangay at pinupuntahan sila sa kanilang bahay, bagay na naging sanhi ng pangamba sa kanilang mga pamilya at sa mismong mga mamamahayag.

Ang pag-iral ng ganitong pangamba at pagkatakot ay tila sintomas ng kawalan ng tiwala ng mga mamamahayag—at pati marahil ng ilang mamamayan—sa ating kapulisan. Bakit kaya na imbis na makampante ang mga dinalaw ng mga pulis ay nagdulot pa ang naturang pagdalaw ng pangamba at takot? Nakalulungkot na ang kapulisan ay kinatatakutan hindi ng mga lumalabag sa batas kundi ng mga ordinaryong mamamayang sumusunod sa batas.

Paano tayo umabot sa ganitong kalagayan? Maaari kayang nakapagpapaalala ito sa mga tao tungkol sa kampanya laban sa iligal na droga ng nakaraang administrasyon? Ang mga mamamahayag naman kaya ngayon ang itinuturing na kalaban ng gobyerno?

Ang pagpaslang kay Percy Lapid at ang pag-amin ng diumanong isa sa inutusang pumatay sa kanya ay tila lalong nakadagdag sa takot sa halip na pawiin ang pangamba ng mga tao.  Dahil sa pag-amin ng pumatay kay Lapid na siya at ilan pang mga kasama ay mga bilanggong napag-utusang gawin ang krimen, maaaring nagpapatunay ito kung gaano kadaling pumatay ng tao sa ating bansa. At pinupuntirya ngayon ang mga mamamahayag. Ito kaya ang mensaheng nais ipaabot sa taumbayan?

Kapag natakot ang mga mamamahayag na magsalita o ipaalam sa taumbayan kung may mga hindi tamang nagaganap sa ating lipunan, sino pa ang maaaring gumawa nito? Ang mga vloggers ba? Paano natin malalaman kung may nangyayaring korapsyon o panlolokong ginagawa ang mga nasa kapangyarihan? Kung walang kumikibo, walang gulo. Mas gusto ba natin ito?

Isipin natin: kahit magutom ang mga mamamayan dahil sa korapsyon, walang kikibo.  Kahit lustayin ang kaban ng bayan at hindi ibigay sa mga tao ang ayuda at serbisyong dapat nilang matanggap, walang aalma dahil walang magsasabi sa atin na may dapat pala tayong matanggap. Kahit magpasasa sa luho ang mga nasa poder habang marami ang nagugutom, mababa ang suweldo, at hindi makapag-aral, walang kikibo dahil walang nagsasaliksik at nagbubunyag na ganito na pala ang dinaranas ng marami sa atin. Mas gusto ba nating hindi na malaman ang tunay na nagaganap sa ating bayan?

Kung ang mga mamamahayag ay tinatakot, at hindi naman natin sila papanigan o ipagtatanggol, ganito na nga ang mangyayari.  Kahit pasamâ nang pasamâ ang lagay ng ating buhay, walang mangangahas na magsalita.

Ibang iba ang halimbawang ipinamalas sa atin ng ating Panginoon pagdating sa pagsasabi ng totoo at pagmamalasakit sa mga pinahihirapan ng mga makapangyarihan. Si Hesus ay di nag-atubiling ipamukha sa mga makapangyarihang mga Pariseo ang mga ginagawa nilang pagpapahirap sa mga ordinaryong tao dahil sa kanilang mga batas. Sa halip, ginamot Niya ang mga maysakit maging sa araw ng Sabbath kahit pa ipinagbabawal ito ng batas ng mga Hudyo. Hindi Siya nangiming tawagin silang mga mapagpanggap na kunwari ay napakalinis sa panlabas nilang anyo at kilos ngunit puno ng kasakiman at kasamaan sa kanilang kalooban.

Mga Kapanalig, ang pagsisiwalat sa katotohanan at pagtatanggol sa kapakanan ng tao ay kailangan upang ang maging makatarungan at payapa ang lipunan. Sa katuruan ng ating Simbahan, ang tunay na kalayaan ay nakikita sa paggawa ng kabutihan at pagtatanggol sa katarungan. Kung pinatatahimik ang mga mamamahayag at hindi kumikibo ang mga tao sa gitna ng kasamaan at kawalan ng katarungan, masasabi pa kaya nating tayo ay tunay na malaya?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 5,629 total views

 5,629 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,165 total views

 13,165 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,151 total views

 29,151 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,196 total views

 37,196 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,276 total views

 42,276 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 5,630 total views

 5,630 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 13,166 total views

 13,166 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 29,152 total views

 29,152 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 37,197 total views

 37,197 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 42,277 total views

 42,277 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,306 total views

 43,306 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,092 total views

 45,092 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,017 total views

 42,017 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,331 total views

 56,331 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,021 total views

 60,021 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,624 total views

 58,624 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,611 total views

 68,611 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,579 total views

 72,579 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,466 total views

 83,466 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,905 total views

 95,905 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top