Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Basagin ang katiwalian nang maibalik ang tiwala sa kapulisan

SHARE THE TRUTH

 473 total views

Mga Kapanalig, ang mga pulis ang humuhuli at kumakastigo sa mga taong nagtutulak at gumagamit ng droga. Pero paano kung mismong mga pulis ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot?  

Noong ika-24 ng Agosto, isinagawa ang isang sorpresang drug test sa mga matataas na opisyal at miyembro ng National Capital Region Police Office (o NCRPO). Bahagi ito ng kampanya ng Philippine National Police (o PNP) na “pataasin ang integridad ng mga pulis at maiwasang masangkot sa anumang katiwalian.”

Sa halip na maisalba ang imahe ng PNP mula sa sunud-sunod na pagkakasangkot ng mga pulis sa sari-saring kontrobersya, mas napasama pa yata ito. Lumitaw na 25 pulis ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga, kabilang ang shabu.2 Noong nakaraang linggo, sinibak sa puwesto ang mismong hepe ng Mandaluyong City police matapos siyang magpositibo sa isinagawang surprise drug test. Binigyan ang mga pulis na nagpositibo sa drug test ng labinlimang araw para magpaliwanag at saka sila isasailalim sa pre-charge investigation. Kasunod nito ay haharap sila sa summary dismissal proceedings kung saan matatanggal sila sa serbisyo. Sinabi ng spokesperson ng PNP na ilan sa mga nagpositibong pulis ay natanggal na sa serbisyo at may ilan namang nagkusang mag-resign.  

Suwerte pa ring maituturing ang mga pulis na kumpirmadong nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga. Ito ay dahil may pagkakataon pa silang magpaliwanag at maimbestigahan ang kanilang kaso, hindi tulad ng libu-libong biktima ng giyera kontra droga na hindi na nagawang ipagtanggol ang kanilang sarili sa harap ng batas.  

Ngayong taon, namumutiktik sa kontrobersya ang hanay ng kapulisan. May mga nasangkot sa muling pagbebenta ng mga nasamsam nilang droga. May mga nasa likod ng pakanang kidnap-extortion, mga kaso ng pagpatay, at marami pang iba. Inaasahan ang mga pulis na proteksyunan at pagsilbihan ang taumbayan, ngunit paano kung sila mismo ang nasasangkot sa katiwalian at mga gawaing labag sa batas? Paano kung sila mismo ang kumikitil ng buhay? Paano natin mararamdaman ang pagkakaroon ng kaligtasan at kapayapaan kung naghahasik ng takot at nasasangkot sa anomalya ang mga may tungkuling panatilihin ang kaayusan? Malaking hamon sa PNP at sa ating gobyerno kung paano pananatilihin ang integridad ng kapulisan sa harap ng kinasasangkutan nitong mga mabibigat na isyu.  

Huwag sanang dumating sa puntong tuluyang mawala ang tiwala pati na ang respeto ng mamamayan sa ating mga alagad ng batas. Gaya ng pahayag sa Mateo 2:28, maging modelo sana ng ating mga pulis si Hesus na naparito sa mundo hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at magbigay ng kanyang buhay para mailigtas ang maraming tao. Maging katulad nawa sila ni Hesus na nagpakumbaba at hindi sariling kapakanan ang inisip kundi ang kapakanan ng iba. Sa ganitong paraan, magagawang malinis ng kapulisan ang kanilang imaheng nadungisan na sa dami ng kinasasangkutang kontrobersya.  

Mga Kapanalig, manalig tayong marami pa rin sa hanay ng mga pulis ang may puso at paninindigang tuparin ang tunay na mandato ng PNP. Mangyayari lamang ito kung hindi hahayaan ng sistemang palipasin lang ang katiwalian at hindi panagutin ang mga tiwali. Akmang paalala ang sinabi ni Pope Francis na ang pinakadakilang paraan ng pamumuhay ay ang paglilingkod sa iba, at ang mga may kapangyarihan ay dapat makita ang kanilang mga sarili bilang mga tagapaglingkod din. Dagdag niya, ang pagkasabik sa righteousness o pagiging matuwid ay hindi nabibigo. Parati itong nagtatagumpay at laging may positibong resulta dahil tumutugma ito sa puso ng Diyos at sa Kanyang pag-ibig. Nawa’y magkaroon ng pagkasabik ang ating mga kapulisan sa katuwiran nang sa gayo’y manatili ang kredibilidad ng PNP bilang institusyon sa mata ng sambayanang kanilang pinaglilingkuran.  

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 5,753 total views

 5,753 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,234 total views

 13,234 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 26,374 total views

 26,374 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 32,347 total views

 32,347 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 38,102 total views

 38,102 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 5,754 total views

 5,754 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,235 total views

 13,235 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 26,375 total views

 26,375 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 32,348 total views

 32,348 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 38,103 total views

 38,103 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,471 total views

 40,471 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,555 total views

 41,555 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,936 total views

 36,936 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,940 total views

 48,940 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,982 total views

 56,982 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,539 total views

 48,539 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,964 total views

 46,964 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,750 total views

 48,750 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,675 total views

 45,675 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,989 total views

 59,989 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top