Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CHR, naalarma sa pagtaas ng election related violence sa bansa

SHARE THE TRUTH

 1,741 total views

Nanawagan ang Commission on Human Rights sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na higit na pag-ibayuhin ang pagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.

Naalarma ang CHR kaugnay sa magkakahiwalay na serye ng karahasan na may kaugnayan sa nakatakdang BSKE sa bansa.
Ayon sa CHR, mahalaga ang pagpapatupad ng mga preventive mechanisms at pagiging alerto lalo’t higit sa mga hotspots area upang maiwasan ang mga katulad na insidente ng karahasan laban sa mga kasalukuyang opisyal at tatakbong kandidato sa papalapit na halalang pambarangay.

“We call on the government and local authorities concerned to ensure the swift delivery of justice. Preventive mechanisms and heightened alertness are also expected to prevent similar incidents of violence and attacks, especially in hotspot areas.” Ang bahagi ng pahayag ng CHR.

Ibinahagi ng kumisyon ang isinasagawang independent motu proprio investigations sa mga kaso ng karahasan na may kaugnayan sa halalang pambarangay upang mabigyan ng katarungan ang sinapit ng mga biktima at kanilang mga pamilya.

Iginiit ng CHR na mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan partikular na ng Commission on Elections at Philippine National Police upang matiyak ang pagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan sa halalang pambarangay.

Ayon sa kumisyon, “CHR is already conducting independent motu proprio investigations into these incidents to ensure justice for the victims and their families. We also note the recent actions of the Philippine National Police to collaborate with the Commission on Elections and relevant government agencies and security forces to address these cases of election-related violence.”

Ipinaliwanag ng kumisyon na may negatibong epekto sa demokrasya at kalayaan sa pagboto ng mamamayang Pilipino ang patuloy na mga kaso ng karahasang may kaugnay sa nakatakdang halalang pambarangay dahil sa takot na maaring idulot nito para sa mga botante.

Bukod dito, nagdudulot din ng takot ang mga serye ng karahasan para sa mga nagnanais na maglingkod sa barangay na dahilan upang mabawasan ang representasyon at mapagpipilian ng mga botante na mga karapat-dapat na mamuno sa pamayanan.

“These cases manifest the rising numbers of election-related violence as the 2023 barangay and SK elections approach. Continued occurrences of violence against electoral candidates undermines the electoral process and negatively impacts our democracy. The culture of fear it creates can impair the people’s right to make free and empowered decisions. It also deprives them of options for representation that could improve their life and their community.” Dagdag pa ng CHR.

Kasabay ng pagsisimula ng election period para sa Barangay at SK Elections noong ika-28 ng Agosto, 2023 ay ipinatupad na rin ang Gun Ban na magtatagal hanggang sa ika-29 ng Nobyembre, 2023 kung saan una na ding isinailalim ng COMELEC at PNP sa mahigpit na pagbabantay ang 28 mga barangay sa Central Visayas dahil sa pagiging election hotspot ng mga naturang lugar.

Nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahang Katolika na ang pagkakaroon ng maayos, matapat at mapayapang proseso ng halalan ay unang hakbang sa pagsusulong ng matatag na demokrasya sa bansa dahil sa pagkakaroon ng kalayaan ng bawat isa na maghalal ng mga karapat-dapat na mga pinuno ng bansa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,289 total views

 107,289 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,064 total views

 115,064 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,244 total views

 123,244 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,232 total views

 138,232 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,175 total views

 142,175 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 412 total views

 412 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 25,656 total views

 25,656 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 26,334 total views

 26,334 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top