Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 419 total views

Mga Kapanalig, inuulan lagi ng batikos ang Simbahang Katolika sa Pilipinas kapag nagsasalita ang mga lider nito sa mga usaping panlipunan, lalo na sa pulitika. Ngayong papalapit ang eleksyon, mainit sa mata ng ilan ang mga pari, mga madre, mga relihiyoso, at mga laykong lider ng mga organisasyong nakaugnay sa Simbahan na isinasapubliko ang mga kandidatong kanilang sinusuportahan. Para sa mga pumupuna sa mga relihiyoso at laykong lumalahok sa tinatawag nating partisan politics at pag-eendorso ng mga kandidato, salungat ang kanilang ginagawa sa separation of Church and State o ang paghihiwalay ng Simbahan at Estado.

Hiramin natin ang paliwanag ni Fr Daniel Franklin Pilario, CM tungkol sa paglahok ng mga pari at relihiyoso sa pulitika, partikular na ang pag-endorso ng mga kandidato.

Maaari nga ba silang mag-endorso? Ang karaniwang sagot ay “hindi.” Pauulit-ulit na itong ipinaliwanag sa iba’t ibang pahayag ng Simbahan. Ang isang pari ay dapat na maging “center of unity” o sentro ng pagkakaisa ng kawang kanyang pinaglilingkuran bilang pastol. Ngunit kaakibat ng kanyang pagiging sento ng pagkakaisa ay ang pagtataguyod niya ng kapayapaan at pagkakasundong nakabatay sa katarungan. Mas mangingibabaw sa hindi pakikilahok sa pulitika ang tungkulin ng mga paring tiyaking nakakamit natin ang kabutihang panlahat o common good at katarungan.

Non-partisan din ang Simbahan. Sa pagiging non-partisan ng Simbahan, nagsisilbi itong boses sa kabila ng mga limitasyong itinatakda ng pulitika. Gayunman, ang isang lipunang kinabibilangan ng Simbahan ay hindi gagana nang walang malinaw na mga programang pulitikal. Samakatuwid, kung laging ihihiwalay ng Simbahan ang sarili nito sa usaping pulitika para lamang hindi maakusahang may kinikilingan at pinapanigan, nawawalang-saysay ang boses nito sa lipunan.

Sinasabi ring may hatian ng trabahong pulitikal ang mga bumubuo ng Simbahan. Ang mga pari ang nagbibigay pangaral sa mga mananampalataya habang ang layko ang nakikilahok sa pulitika. Ngunit ang paghahating ito ay nabubura kapag nakataya na ang mga turo ng ating Ebanghelyo at kapag nanganganib ang kabutihang panlahat at katarungan sa lipunan.

Sa madaling sabi, ang paglahok ng Simbahan sa partisan politics ay maituturing na pagtugon sa panawagang protektahan ang kabutihang panlahat, sa panawagang itaguyod ang katarungan, at sa panawagang ipagtanggol ang mga turo ng Ebanghelyo. Tungkulin ng Simbahan—relihiyoso man o layko—na batikusin ang mga partido at pulitikong lantarang binabalewala ang kabutihang panlahat, pinapalaganap ang katiwalian, lumalabag sa buhay ng tao, walang pagpapahalaga sa tunay na katarungan. Maaari naman nilang i-endorso ang mga kandidatong isinasabuhay ang mga aral ni Hesus at tunay na naglilingkod sa mga tao, lalo na sa mga nasa laylayan.

Sabi nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, habang ang iba ay itinuturing ang pulitika bilang isang larangan upang mag-agawan ng kapangyarihan, ang mga Katoliko ay tinatawagang linangin ang mabuting bahagi ng pulitika at maging lingkod nito. Ipinararating ang paanyayang ito sa lahat—kabilang ang mga pastol ng ating Simbahan. At ngayon nga, nakikita natin kung sinu-sino sa ating mga lider sa Simbahan ang tumutugon sa paanyayang ito.

Mga Kapanalig, tayo po ay hindi lamang mamamayan ng Pilipinas. Tayo ang bumubuo sa bayan ng Diyos—isang bayang pinahahalagahan ang dignidad ng bawat isa, isang bayang pinahahalagahan ang katarungan, isang bayang itinataguyod ang kapakanan ng lahat. Bilang mga Kristiyano, tayo ay may tungkuling itatag ang sinasabi sa Daniel 11:10 na isang bayang “may matatag na pundasyon at ang Diyos mismo ang nagplano at nagtayo.” Hindi ito mangyayari kung nananahimik tayo—lalo na ang mga relihiyoso—sa gitna ng kawalang katarungan. Hindi ito mangyayari kung papanig tayo sa mga pulitikong sakim sa kapangyarihan, binabaluktot ang katotohanan, at ginagamit lamang ang mga tao para sa sariling kapakanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 3,269 total views

 3,269 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 10,751 total views

 10,751 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 23,891 total views

 23,891 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 29,864 total views

 29,864 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 35,619 total views

 35,619 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 3,270 total views

 3,270 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 10,752 total views

 10,752 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 23,892 total views

 23,892 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 29,865 total views

 29,865 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 35,620 total views

 35,620 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,300 total views

 40,300 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,384 total views

 41,384 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,765 total views

 36,765 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,769 total views

 48,769 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,811 total views

 56,811 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,368 total views

 48,368 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,793 total views

 46,793 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,579 total views

 48,579 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,504 total views

 45,504 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,818 total views

 59,818 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top