Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BEC, hinamong lumikha ng trabaho

SHARE THE TRUTH

 208 total views

Hinamon ng CBCP–Permanent Committee on Public Affairs ang mga Basic Ecclecial Communities o mga komunidad sa mga parokya na magtulungan upang makapag – likha ng programa sa mga walang trabaho sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, chairman ng komisyon, napapanahon na palakasin ang presensya ng mga BEC ngayong ipinagdiriwang ang Taon ng mga Parokya na matulungan ang mga walang trabaho sa kanilang lugar.

Iginiit pa ni Archbishop Arguelles na kung mabibigyan lamang ng tamang programa ang mga komunidad lalo na sa pagsasaka at paglikha ng mga kooperatiba ay hindi na makikipag–sapalaran ang iba na magtrabaho sa mga dayuhang negosyante sa bansa.

“Tayo’y magtulong–tulungan di ba ang tema ng taon natin ngayon ay ‘Communion of Communitites.’ Ang pinagtitibay diyan lalo ay ang Basic Ecclesial Community huwag na tayong na ang trabaho ba natin ay umaasa tayo kina Henry Sy,
kina Lucio Tan. Trabaho tayo ng trabaho sa kanila ay sila lang naman ang yumayaman. Ang dapat ay magkaisa ang mga maliliit na tao at magtulungan,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Veritas Patrol.

Sinabi pa ni Archbishop Arguelles na kung magbabahaginan lamang ng kakayanan ang bawat isa ay makaka–iwas na ang bansa sa pananakal ng ilang gahamang negosyante na lumalabag pa sa ilang karapatan ng mga manggagawa.

“Ang trabaho ay hindi naman manggagaling kina Lucio Tan andiyan iyan magtanim tayo, magtulung–tulung tayo iyan ang mahalaga diyan magbahaginan ng ating kakayanan. Ang trabaho ay hindi lamang nakakapit tayo sa mga dayuhan mas mahal ang kinukuha nila sa atin at lahat ng injustice ay nasa atin at tayo ay pinapataw ang mahalaga magtulungan at magsikap ang lahat para mapabuti ang bawat isa,” giit pa ni Archbishop Arguelles sa Radyo Veritas.

Samantala, lumiit na ang bilang ng mga walang trabahong Pinoy sa bansa, batay sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS)—naitalang pinakamababa sa nakalipas na siyam na taon.

Natukoy sa survey, na isinagawa nitong Setyembre 24-27, na bumaba sa 18.4 na porsiyento ang joblessness rate, o nasa 8.2 milyong adult na Pinoy ang walang trabaho sa ngayon.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 126,588 total views

 126,588 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 134,363 total views

 134,363 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 142,543 total views

 142,543 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 157,301 total views

 157,301 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 161,244 total views

 161,244 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 39,844 total views

 39,844 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 38,820 total views

 38,820 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 38,950 total views

 38,950 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 38,929 total views

 38,929 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top