95,934 total views
“Very suspicious”(kaduda-duda), ito ang sentimiyento ng maraming Pilipino sa isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa mga maanumalyang flood control projects ng pamahalaan. Ang sigaw ng bayan sa ICI, nasaan ang transparency sa behind closed doors hearings?
Sa kabila ng malakas na panawagan na isapubliko ang imbestigasyon, nanindigan ang ICI na pribado ang kanilang hearings. Dahil sa secrecy at walang transparency, unti-unti nang nawawala ang tiwala ng taumbayan sa ICI. Bakit ayaw ng ICI na isapubliko ang kanilang pagdinig? Mayroon bang pino-protektahan ang anti-corruption body ng administrasyong Marcos?
Katwiran ng ICI Kapanalig, iniiwasan daw ng komisyon ang “trial by publicity” kaya behind closed door ang kanilang pagsisiyasat sa mga nasa likod ng multi-bilyong pisong katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan. Wala bang tiwala ang ICI sa kanilang imbestigasyon?
Kapanalig, karapatan nating mga Pilipino na malaman ang katotohanan. Hindi ito dapat ipagkait ng ICI, buwis nating mga Pilipino ang ninakaw ng mga sangkot sa flood control projects scam. Paano mapapanatag tayong mga Pilipino na walang pinagtatakpan at walang pinoprotektahan ang imbestigasyon?
Ang integridad ng closed door hearings ng ICI ay nakasalalay kung sensiro o dalisay ang anti-corruption drive ng administrasyong Marcos. Harinawa Kapanalig, hindi maging ningas-cogon ang imbestigasyon ng ICI dahil sa secrecy.
Sa kasalukuyan, inirekomenda ng ICI sa Department of Justice na isailalim sa Bureau of Immigration lookout bulletin si dating Senate President Francis Escudero,Sen. Jinggoy Estrada,dating Senador Ramon Revilla Jr.,Makati mayor Maria Lourdes Binay-Angeles,Cong.Roman Romulo,Cong.James Jojo Ang,Cong.Patrick Vargas,Cong.Juan Carlos Atayde,Cong.Nicanor Briones,Cong.MarcelinoTeodoro,Cong.Florida Robes,Cong.Elejandro Mandrona,Cong.Benjamin Agarao,Cong.Florencio Bem Noel,Cong.Leody Tarriela,Cong.Reynante Arogancia,dating Cong.Marvin Rillo,Cong. Teodorico Haresco Jr.,Cong.Antonieta Eudela,Cong.Dean Asistio,Cong.Marivic Co-Pilar,COA Commissioner Mario Lipana at maybahay na si Marilou Laurio-Lipana, Usec. Trygve Olaivar, Carlene Villa, Maynard Ngu, District engineer Loida Busa,Bogs Magalong,District engr. Ramon Devanadera, Johnny Protesta Jr.,Arturo Gonzales Jr.,at dating House Speaker Martin Romualdez.
Kapanalig, ang mga nabanggit na indibidwal ay hindi pinapayagang makapuslit sa bansa habang iniimbestigahan ang kanilang pagkakasangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Paalala sa ICI, nakamasid at nakabantay ang taumbayan na mapanagot., maparusahan ang mga nagbulsa sa multi-bilyong pisong pondo para sa flood control. Hindi matatanggap at mag-aalsa ang taumbayan kapag naging “whitewash” ang imbestigasyon.
Ika nga ng “James 5:12–But above all, my brothers, do not swear, either by heaven or by earth or by any other oath, but let your “yes” be yes and your “no” be no, so that you may not fall under condemnation.
Kapanalig, sinasabi sa ancient principle ng canon law: “What concerns all must be decided with the consent of all. To make this possible, each person must take responsibility according to their role.”
Sumainyo ang Katotohanan.




