Diocese of Malolos, itinakda tuwing Sunday masses ang “National Cry for Mercy and Renewal”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,743 total reads

Itinatakda ng Diyosesis ng Malolos ang sabayang pagdarasal ng “Panawagan para sa Pamamayani ng Awa at Ikapagbabago ng Bayan” o “National Cry for Mercy and Renewal” sa lahat ng Misa tuwing Linggo ngayong Oktubre at Nobyembre 2025.

Ito ang tugon ng diyosesis sa paanyaya ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), para sa sama-samang pananalangin ng sambayanan sa isang mapanagutan, matapat, at mabuting pamamahala sa bansa.

Ayon sa pamunuan ng Diyosesis ng Malolos, darasalin ang naturang panalangin kapalit ng Panalangin ng Bayan bilang konkretong tugon ng mga mananampalataya sa panawagan ng Simbahan na humingi ng awa ng Diyos para sa bayan at sa muling pagbangon ng sambayanan mula sa mga kasalukuyang suliranin.

“Bilang tugon sa paanyaya ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), itinatakda sa Diyosesis ng Malolos ngayong Buwan ng Oktubre at Nobyembre 2025 ang pagdarasal ng “Panawagan para sa Pamamayani ng Awa at Ikapagbabago ng Bayan” o ang “National Cry for Mercy and Renewal” sa mga Misa ng Linggo (Sunday Masses). Darasalin ito kapalit ng Panalangin ng Bayan.” Bahagi ng pahayag ng Diyosesis ng Malolos.

Layunin ng gawain na pag-isahin ang sambayanang Katoliko sa isang pambansang panalangin ng pagsisisi, awa, at pagbabagong-loob, lalo na sa gitna ng mga kalamidad, katiwalian, at kawalan ng katarungan sa lipunan.

Sa pamamagitan ng sabayang pananalangin, hinahangad ng Simbahan na muling pag-alabin ang pananampalataya, pag-asa, at pagmamahalan ng sambayanang Pilipino upang makamit ang tunay na katarungan at kapayapaan na nagmumula sa Diyos.

Ang Diyosesis ng Malolos ay binubuo ng may 120-parokya mula sa buong probinsya ng Bulacan at lungsod ng Valenzuela.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,604 total reads

 47,604 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,364 total reads

 127,364 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,811 total reads

 160,811 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,109 total reads

 196,109 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,810 total reads

 420,810 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top