24-bansa, nakiisa sa One Million Children Praying the Rosary 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,556 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang sanggay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need – Philippines sa aktibong pakikibahagi ng bansa sa taunang pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga kabataan sa buong daigdig.

Batay sa datos ng ACN-Philippines sa naganap na One Million Children Praying the Rosary noong ika-7 ng Oktubre, 2025 ay umabot sa 599,678 ang nakibahagi sa sabayang pananalangin ng Santo Rosaryo sa bansa.

Una nang inihayag ni ACN-Philippines National Director Max Ventura na ang taunang One Million Children Praying the Rosary ay bahagi ng pandaigdigang gawain ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need na isinasagawa sa buong mundo, bilang patunay ng iisang pananampalataya at pag-asa ng mga Kristiyano.
“Ang pakikiisa sa pananalangin, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Dahil nga po sa ilalim ito ng Aid to the Churching Need, na isang Papal Foundation, at nasa 24 na bansa sa buong mundo. So nakikiisa tayo sa lahat ng mga kabataan na nagdarasal para nga sa ating mundo.” Bahagi ng pahayag ni Ventura sa Radyo Veritas.

Nanawagan din si Ventura ng pagbabalik-loob at pagkakaisa lalo na sa mga pinuno ng bansa sa gitna ng mga kaguluhan at krisis na kinahaharap ng Pilipinas upang manaig ang pagmamahal na itinuturo ni Kristo.

“Sana magkaisa at mabawasan ang mga kaguluhan, ang mga gera. At sana nga magbalik loob. Lalo na ang mga pinuno natin, lalo na dito sa Pilipinas, na sana ang manaig ay ang pagmamahal na siyang tinuro ng ating Panginoong Hesus.” Dagdag pa ni Ventura.

Layunin ng Worldwide Prayer Event na isulong ang pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

‎Inilunsad ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Caracas, Venezuela noong taong 2005 kung saan umaabot na sa mahigit 80-bansa ang taunang nakikibahagi sa malawakang pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo kabilang na ang Pilipinas nang inilunsad ang gawain sa bansa noong taong 2016.

Isinagawa ang One Million Children Praying the Rosary ngayong taon sa sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Santo Rosario sa bayan ng Rosario, Cavite na pinangunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Imus na si Bishop Reynaldo Evangelista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,776 total reads

 23,776 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,079 total reads

 61,079 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 79,290 total reads

 79,290 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,618 total reads

 163,618 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 199,879 total reads

 199,879 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,569 total reads

 37,569 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top