Installation sa bagong Arsobispo ng Archdiocese of Cotabato, itinakda sa December 8

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,693 total views

Itinakda ng Archdiocese of Cotabato ang pagluklok kay Archbishop Charlie Inzon sa December 8, kasabay ng dakilang kapistahan ng Immaculada Concepcion.

Pangangasiwaan ni Cotabato Archbishop Emeritus Angelito Lampon ang rito ng pagluklok sa ganap na alas-tres ng hapon sa Immaculate Conception Cathedral sa Cotabato City.

Magbabahagi naman ng homiliya si Cardinal Orlando Quevedo, na dati ring arsobispo ng Cotabato.
Kasabay ng pagtanggap sa ikalimang arsobispo ng arkidiyosesis ang culmination ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Archdiocese of Cotabato, gayundin ang episcopal coronation ng imahe ng Inmaculada Concepcion, ang patrona ng arkidiyosesis.

Ayon kay Archbishop Lampon, ang 2025 ay isang makasaysayang taon para sa lokal na simbahan ng Cotabato bilang pagkilala sa kasaysayan, malalim na pananampalataya, at patuloy na paglilingkod sa pamayanang Kristiyano.

Matatandaang noong September 8, itinalaga ni Pope Leo XIV si Archbishop Inzon bilang kahalili ni Archbishop Lampon matapos nitong maabot ang mandatory retirement age na 75 taong gulang.

Si Archbishop Charlie Inzon, na ipinanganak noong 1965 sa Pilar, Sorsogon, ay pumasok sa kongregasyon ng Oblates of Mary Immaculate (OMI) noong 1982 at nagkaroon ng perpetual profession noong 1990.

Nagtapos siya ng Philosophy sa Notre Dame University sa Cotabato City at ng Theology sa Loyola School of Theology ng Ateneo de Manila University sa Quezon City. Siya ay naordinahang pari ng OMI noong April 24, 1993, sa Caloocan City.

Bilang bagong pinuno ng Archdiocese of Cotabato, pangangasiwaan ni Archbishop Inzon ang mga lalawigan ng Cotabato, Sultan Kudarat, at Maguindanao, gayundin ang Cotabato City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 10,866 total views

 10,866 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 85,480 total views

 85,480 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 165,559 total views

 165,559 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 208,698 total views

 208,698 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 209,118 total views

 209,118 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top