Bibliya, isasalin ng Simbahan sa Palawan sa salitang Cuyonon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 911 total views

Ilulunsad sa Pebrero 2023 ng simbahan sa Palawan ang pagsasalin ng Bibliya sa salitang Cuyonon sa pakikipagtulungan ng Philippine Bible Society.

Ito ay bilang bahagi ng buong taong pagdiriwang ng lalawigan sa ika-400 taon ng pananampalatayang Kristiyano sa Palawan na nagsimula noong August 28, 2022 hanggang sa Agosto ng susunod na taon kasabay ng kapistahan ni San Agustin-ang patron ng Cuyo na unang dinayo ng mga Augustino noong 1622.

Ang Cuyonon ay ang lokal na wikang ginagamit sa bayan ng Cuyo- ang pinakamatandang bayan sa Palawan na unang itinanim ang binhi ng kristiyanismo.

Sa kasalukuyan ang Palawan ay binubuo ng may 994,101-libong populasyon na mayorya ay pawang mga katoliko na pinangasiwaan nina Bishop Socrates Mesiona ng Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa at Bishop Broderick Pabillo ng Taytay.

Ayon kay Bishop Mesiona, hangad din ng pagdiriwang ang pagbibigay diin ng simbahan ang pagiging Mabuting Katiwala o ‘good stewardship’ upang makapag-bigay inspirasyon sa pamayanan.

“Kasi parang ano namin na 400 years na kami, what now? Ano na ngayon? So parang bigyan naming diin na we should be good stewards kasi lalong-lalo na ah ano pa kami vicariate pa kami so dapat ma-encourage namin ‘yung mga parishioners namin to be good stewards. Sana naman, i-aspire din namin na time will come na maging diocese na rin kami.” Dagdag ni Bishop Mesiona sa programang Apostolic visit on-the-air ng Radio Veritas.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagbisita ng Jubilee Cross sa bawat parokya at kapilya sa buong lalawigan ng Palawan.

Matatagpuan din sa isla ang Fort of Cuyo na tanyag sa mga turista na itinatag ng mga Espanyol noong 1680 upang pangalagaan ang mamamayan laban sa pang-aatake ng mga piratang Muslim. (with News Intern Jemimah Mae Mapa)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 55,891 total views

 55,891 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 55,891 total views

 55,891 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 55,891 total views

 55,891 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 54,181 total views

 54,181 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 49,504 total views

 49,504 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top