Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bigyan ng pag-asa ang mga makasalanan- Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 271 total views

Ito ang naging paalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, D.D. sa mga mananampalataya.

Inihayag ni Cardinal Tagle na dapat nating tularan ang Panginoon na kailanman hindi sumuko sa mga makasalanan tulad ni St.John The Baptist.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang isang mabuting mananampalatayang Kristiyano ay nagbibigay ng pag-asa sa mga nawalan ng pag-asa, mga kinalimutan ng lipunan, mga inabandona ng magulang, mga nalulong sa masamang bisyo, mga kapuspalad at mga kriminal.

Iginiit ng Kardinal na kapag may buhay ay may pag-asa at may pagkakataong magbagong buhay dahil ang sentro ng ating buhay ay si Hesus.

“Hope for the poor, hope for the sinners, do not give up on them, do not give up on their lives. Every life has hope, every life has opportunity to be transformed, if only we believe, because the center of faith is not in the accomplishment of things, the center of faith is Jesus,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Nilinaw ni Cardinal Tagle na kahit hindi natin nakikita ang ating inaasahan ay hindi tayo dapat sumuko sa mga makakasalanan.

“I may not see what I am hoping for, I will not give up on anyone, I will not give up on anything, I will not give up even on criminals. We hope for people specially the youth who had been drowned into vices, drugs and beyond hope. We will continue hoping tao iyan! Buhay iyan, may pag-asa yan!Umasa ka, manampalataya ka, God can do wonders,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Itinuturing naman ni Cardinal Tagle ang pagkitil ng buhay na “act of hopelessness and despair” dahil ang taong may pag-asa ay hindi pumapatay ng kapwa tao.

“Ang mga nagkakamali, ang pagkitil ng buhay is an act of hopelessness, and despair. A person that has hope will never kill. Ang pag-asa ay nagsasabi, yurak- yurak man ang buhay mo, nagkamali ka man, umaasa kami mayroong bagong buhay, mayroong pag-asa. Pero kapag pinatay na, papano mo pa makikita ang bagong buhay,” paglilinaw ng Kardinal.

Iginiit ni Cardinal Tagle na ang ating matibay na pananampalataya ay hindi sumusuko sa harap ng mga pagsubok at kawalan.

Faith never gives up on the present, even in the face of threatening and uncertain factors. Faith never gives up even when we are not sure, that what we are expecting will happen as we want them to happen,”paglilinaw ni Cardinal Tagle.

Read: http://www.veritas846.ph/panalangin-pinakamalakas-na-armas/
http://www.veritas846.ph/nawawalang-espiritwalidad-dahil-sa-addiction-ibabalik-ng-simbahan/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,365 total views

 14,365 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,302 total views

 34,302 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,562 total views

 51,562 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 65,089 total views

 65,089 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,669 total views

 81,669 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,794 total views

 7,794 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 71,104 total views

 71,104 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 96,919 total views

 96,919 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 135,450 total views

 135,450 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top