213 total views
Tiniyak ng lalawigan ng Cagayan na patuloy ang kanilang paghahanda kaugnay sa paparating na bagyong Ompong na posibleng mag-landfall sa bahagi ng Batanes at Cagayan sa Sabado.
Sa panayam ng Veritas Pilipinas, inanunsyo na rin ni Cagayan Governor Manuel Mamba una na nilang idineklara na walang klase ngayong araw- at bukas araw ng Biyernes ang mga paaralan.
“And tomorrow we will also suspending work except those involve in rescue operation. And we will also have a liquor ban starting tomorrow until Saturday,” ayon kay Gov. Manuel.
Ayon pa sa Gobernador suspedido na rin ang pasok sa mga tanggapan maliban na lamang sa mga kawani na bahagi ng rescue operation.
Dagdag pa ng Opisyal, nagsisimula na rin sa paglilikas ng mga residenteng nakatira sa mga baybaying dagat para matiyak ang kanilang kaligtasan.
“As far as goods and relief is concern all LGU’s together with NFA, DSWD and of course the Provincial Government nagpre-preposition na kami ng mga relief goods natin we learned a lot from ‘Super Typhoon Lawin’ in 2016. And we are trying to improve our preparation and hopefully we will have a zero casualty and hopefully lahat po naman ay makikipag-cooperate,” ayon kay Manuel.
Ipinapanalangin din ni Manuel na hindi maging mapanira ang bagyo lalut maraming mga pananim na ang nasa panahon para anihin.
Read: Cardinal Tagle, nagpahayag ng pag-aalala sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Ompong
“About to be Harvest karamihan nito but tina-try namin na i-harvest ang harvestable ngayon at bukas especially Rice and Crop,” dagdag pa ni Manuel.