BIR sealed box, hindi na bubuksan ng house panel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,998 total views

Hati ang House Justice Commitee na buksan ang selyadong kahon na naglalaman ng mga dokumento ng income tax return ni Vice President Sara Duterte at asawa niyang si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay Rep. Laurence Defensor at ML Partylist Representative Leila de Lima, marapat na buksan ang kahon upang masuri at matukoy ang katotohanan at maikumpura sa naging ulat ng Anti-Money Laundering Council.

Ayon pa kay Defensor, ang nilalaman ng selyading kahon ay maaring magpatibay ng probable cause ng impeachment case ng Bise Presidente o pumabor sa panig ng Bise Presidente.

Sa panig naman ni Manila Rep Bienvenido Abante, kinakailangan ang prudence o tamang pagpapsya ng komite lalu’t si Atty. Carpio ay isang pribadong indibidwal na dapat kilalanin ang right to privacy.

Giit pa ni Abante, hayaan na lamang ang paglilitis sa Senado upang maisiwalat ang nilalaman ng kahon.

Ang dokumento ay una na ring pina-subpoena ng justice panel, kaugnay sa pagpapatuloy ng impeachment proceeding laban sa Pangalawang Pangulo.

Sa ginawang botohan, 6 ang pumabor na buksan ang kahon, habang 38 naman ang hindi naman sumang-ayon.

Pinagtibay naman ng komite na mananatili ang ‘sealed box’ sa kustodiya ng Kamara.

Kabilang sa dumalo sa huling araw ng pagdinig ng Kamara sina Atty. Melvin Matibag – Director, National Bureau of Investigation (NBI); at Agent John Mark Calilung, Cybercrime Division, NBI.

Gayundin ang mga kinatawan ng
Saballa et al complaint na sina Atty. Amando Ligutan, Atty. Stephen Magallo -bilang mga counsels at complainants na sina Fr. Joel Saballa, Fr. Rogelio Rosario, MJ, Sr. Geraldine Denoga D.C., Ms. Pinky Tam at Fr. Joselito Sarabia, CM.

Bukod sa usapin ng pagbubukas ng kahon, partikular na tinalakay sa huling araw ng impeachment proceedings ang sinasabing ‘kill plot’ ni VP Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 35,692 total views

 35,692 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 209,626 total views

 209,626 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 187,259 total views

 187,259 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 250,077 total views

 250,077 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 267,182 total views

 267,182 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top