Bishop Ayuban, nakikiisa sa mga nasunugan sa NIA road, Quezon City

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 409 total reads

Nanawagan ng panalangin si Cubao Bishop Elias L. Ayuban, Jr., CMF para sa mga pamilyang biktima ng naganap na sunog sa isang komunidad sa kahabaan ng NIA Road sa Quezon City.

Ayon sa Obispo, mahalagang tulungan at ipanalangin ang mga pamilyang naapektuhan ng trahedya para sa kanilang muling pagbangon.

“Let us unite in prayer for the families affected by the fire along NIA Road. May the Lord console those who are suffering and guide the community as they begin the journey of healing and rebuilding,” pahayag ng obispo.

Personal na pinangunahan ni Bishop Ayuban ang pagbisita sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog upang maghatid ng panalangin at pag-asa sa mga residenteng nawalan ng tahanan.

Sa kasalukuyan, pansamantalang nanunuluyan ang ilang evacuees sa San Isidro Labrador Parish, kung saan binuksan ng parokya ang mga pasilidad nito upang matulungan ang mga pamilyang lumikas mula sa nasunog na lugar.

Sa kanyang pagbisita sa lugar, nakipagpulong si Bishop Ayuban sa mga residente at tiniyak ang pakikiisa at panalangin ng Simbahan sa kanilang pinagdaraanan.

Ayon sa ulat, agad na binuksan ni Fr. Marti Espenido, kura paroko ng San Isidro Labrador Parish, ang Simbahan upang magsilbing pansamantalang kanlungan ng mga naapektuhan at patuloy na nakikipag-ugnayan upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Nakibahagi rin sa relief operations at pamamahagi ng tulong ang iba pang mga pari ng diyosesis, na pinangunahan nina Fr. Dennis Soriano at Fr. Ronnie Santos sa pamamagitan ng Social Services and Development Ministry ng Diyosesis ng Cubao.

Kasama din ni Bishop Ayuban sa kanyang pagbisita sa mga naapektuhang residente sina Fr. Marti Espenido at Fr. Julius Callanga, Chancellor ng diyosesis.

Sa kabila ng matinding pinsala sa komunidad, ibinahagi naman ng ilang residente na sa kabila ng naganap na malaking sunog sa lugar ay nanatiling buo at hindi naapektuhan ng apoy ang isang maliit na kapilya sa komunidad, maging ang mga puting lasong nakapalibot dito, na sumisimbolo sa paninindigan ng komunidad laban sa korapsyon sa pamahalaan.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 341 total reads

 341 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 2,336 total reads

 2,336 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 2,346 total reads

 2,346 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 12,632 total reads

 12,632 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 62,545 total reads

 62,545 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 84,635 total reads

 84,635 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 184,455 total reads

 184,455 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 217,110 total reads

 217,110 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 2,337 total reads

 2,337 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top