Bishop Mallari, nagpaabot ng panalangin kay Pope Benedict XVI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,737 total views

Nagpaabot ng panalangin si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa kasalukuyang kalagayan ni Pope Emeritus Benedict XVI.

Ayon sa Obispo na siya ring Head of the Office of Social Communications ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC), nawa ay sama-samang ipanalangin ng lahat ang biyayang kaloob ng Diyos para sa dating Santo Papa na nasa malubhang kalagayan.

Paliwanag ni Bishop Mallari, nasa mga kamay ng Diyos ang kaganapan ng buhay ng bawat isa maging ng dating pinunong pastol na matapat na nagsilbing lingkod ng Simbahan para sa ikaluluwalhati ng Panginoon.

“Ipagdasal po natin si Pope Emeritus Benedict XVI. Hingin po natin ng sama-sama ang lahat ng biyayang kailangan niya upang ang kalooban ng Diyos ay magkaroon ng kaganapan sa buhay niya sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos.” Ang mensahe ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa Radio Veritas.

Matatandaang umapela ng panalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco para kay Pope Emeritus Benedict XVI na kasalukuyang nasa malubhang kalagayan dahil sa kanyang karamdaman.

Bahagi ng panalangin ni Pope Francis ang tuwinang paggabay ng Panginoon kay Pope Emeritus Benedict XVI na nagsilbing isang tapat na lingkod at pastol ng Simbahan bago kusang magbitiw bilang Santo Papa dahil sa kanyang mga karamdaman taong 2013.

Una ng tiniyak ng Holy See ang patuloy na pagbabantay ng mga manggagamot sa kalagayan ni Pope Emeritus Benedict XVI na patuloy ang paghina ng pangangatawan dulot ng kanyang mga karamdaman gayundin ang katandaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 42,055 total views

 42,055 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 51,419 total views

 51,419 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 77,875 total views

 77,875 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 126,933 total views

 126,933 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 129,240 total views

 129,240 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top