Bishop Pabillo, humiling ng dasal sa mabilis na pagbangon ng Sto. Niño de Pandacan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total views

Hinimok ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang bawat isa na ipanalangin ang mabilis na pagbangon ng Santo Niño de Pandacan Parish na nasunog pasado ala-una ng hapon ng Biyernes, ika-10 ng Hulyo.

Bagamat nasunog ang ilang bahagi ng Simbahan, ipinagpapasalamat naman ng Obispo na walang sinuman ang nasaktan at walang mga bahay ng mga residente ang nadamay sa naganap na sunog.

Ibinahagi rin ni Bishop Pabillo ang kanyang personal na pagbisita sa parokya upang makita ang pagkasirang naidulot ng sunog sa Simbahan.

“Ipagdasal natin na sana itong parokya ay makabangon kaagad, mabuti na wala namang nasaktan, wala namang ibang bahay na tinamaan pero yun nga malaki siguro ang damage ng Simbahan kaya titingnan ko ngayon kung papaano ngayon yun”.pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection ng National Capital Region (BFP-NCR) umabot sa ikatlong alarma ang antas ng sunog sa Simbahan na naapula pasado alas-dos ng hapon.

Inaasahan naman ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang alamin kung saan nagsimula ang pagkalat apoy at kung gaano kalawak ang pinsalang idinulot nito.

Ang imahen ng Sto. Niño de Pandacan ay pinaniniwalaang higit 400-taon na at mapaghimala ng mga deboto.

IN PHOTOS: Kalagayan sa Sto. Nino Parish sa Pandancan matapos maapula ang sunog. Patuloy nating ipanalangin ang kaligtasan ng mga pari at kawani ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 9,223 total views

 9,223 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 9,223 total views

 9,223 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 9,223 total views

 9,223 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 8,882 total views

 8,882 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 8,025 total views

 8,025 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top