770 total views
Nanawagan si Pagadian Bishop Ronald Anthony Timoner sa lahat ng parokya, religious communities, at mission stations sa diyosesis na makiisa sa itinakdang Prayer Vigil for World Peace ngayong Sabado, April 11, bilang tugon sa panawagan ni Pope Leo XIV.
Binigyang-diin ng obispo ang agarang pakikiisa ng Simbahan sa gitna ng umiigting na kaguluhan sa
“We are enjoining all parishes, religious communities, and mission stations in our diocese to participate wholeheartedly in this universal act of prayer,” ayon sa pahayag ni Bishop Timoner.
Ayon sa obispo, bahagi ito ng mas malawak na panawagan ng Santo Papa sa buong Simbahan para sa pagwawakas ng mga digmaan at karahasan.
“The Holy Father has invited the entire Church to unite in imploring the gift of peace for our world burdened by conflict, division, and indifference.”
Hinikayat din ng obispo ang bawat parokya na magsagawa ng kani-kanilang prayer vigil kasama ang kanilang nasasakupang komunidad at magbuklod bilang isang sambayanan ng Diyos.
Kabilang sa mga mungkahing gawain ang Eucharistic Adoration, pagdarasal ng Santo Rosaryo para sa kapayapaan, at pagdiriwang ng Misa para sa kapayapaan.
Umaasa si Bishop Timoner na ang sama-samang panalangin ay magsisilbing konkretong ambag ng Simbahan sa pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa buong mundo.






