Bisto Proyekto, inilunsad para bantayan ang mga anomalya sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,739 total views

Inilarawan ni Adamson University President, Vincentian Fr. Danilo Franklin Pilario, na isang makabagong anyo ng “people power” ang paglulunsad ng digital platform na maglalayong tutukan at bantayan ang mga anomalya sa pamahalaan.

Ito ang Bisto Proyekto na inilunsad sa Adamson University nitong February 21, 2026, na pinagsama-samang inisyatiba ng iba’t ibang sektor sa pangunguna ng Taongbayan Action for Participatory, Accountable and Transparent Governance (TAPAT) at BetterGov.ph, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), at Mayors for Good Governance (M4GG).

Ayon kay Fr. Pilario, hindi lamang mga eksperto o opisyal ang maaaring makilahok sa pagbabantay kundi maging ang mga karaniwang mamamayan na direktang naaapektuhan ng mga palpak o kuwestiyonableng proyekto ng pamahalaan.

“Kung meron man kayong [mapag-alamang] mga katiwalian, lalong-lalo na sa flood control projects and DPWH projects, pwede na po natin gamitin ang Bisto Proyekto. At kahit sino—estudyante, ordinaryong mamamayan, nanay— pwede ninyong i-monitor ang mga projects na meron sa inyong kapaligiran,” pahayag ni Fr. Pilario sa panayam ng Radyo Veritas.

Maaaring ma-access ang platform sa pamamagitan ng website na bisto.ph kung saan makikita ang detalye ng mga proyekto at maaaring magsumite ng ulat sakaling may mapansing iregularidad.

Sinabi pa ni Fr. Pilario na sa ganitong paraan ay napalalakas ang pakikilahok ng taumbayan sa pagsusulong ng transparency at pananagutan ng pamahalaan.

Ang paglulunsad ng nasabing online platform ay bahagi rin ng paggunita sa ika-40 ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na naganap noong Pebrero 1986.

“Sa pamamagitan nito, mabubuhay natin ang people power dahil ang people power ay hindi lang nangyari noong 1986. Dapat magpapatuloy sa araw-araw nating pamumuhay. Kaya tuloy ang people power, mabuhay ang Bisto Proyekto,” saad ni Fr. Pilario

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 110,751 total views

 110,751 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 132,861 total views

 132,861 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 206,892 total views

 206,892 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 202,330 total views

 202,330 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top