Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,835 total views

1st Sunday of Lent Cycle A
Pontifical Work of St. Peter the Apostle (Opus Sancti Petri)
Gen 2:7-9; 1-7 Rom 5:12-19 Mt 4:1-11

Ang panahon ng Kuwaresma ay apatnapung araw na pagninilay at pagdarasal ng buong simbahan. Para itong isang espirituwal na retreat na tinatalakay ang mahahalagang paksa ng ating buhay kristiyano. Ngayong unang Linggo ng Kuwaresma, ating pagninilayan ang isang karanasan nating lahat: ang tukso o ang pagsubok. Lahat tayo ay tinutukso. Hindi masama ang tukso. Dito sinusubok tayo kung susunod tayo sa Diyos o susuway sa kanya. Pumapasok ang kasalanan kung sumang-ayon tayo sa alok ng kasamaan at ginawa ito.

Sinulat ni Santiago: “Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagsubok.” (Santiago 1:1-2) Sinulat din ni San Pablo: “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.” (1 Cor. 10:13)

Maliwanag ang katuruan sa atin ng Banal na Kasulatan: lahat ay sinusubok, alam ng Diyos ang nangyayari sa atin at hindi niya pinahihintulutan na magkasala tayo dahil sa pagsubok, binibigyan niya tayo ng paraan at ng lakas upang mapagtagumpayan ang pagsubok. Dahil sa pagsubok, lumalakas ang ating pananampalataya.

Sa unang pagbasa tinukso ang mga unang tao, si Adan at si Eba at sila ay nahulog sa pagsubok. Dahil dito pumasok na ang kasalanan sa mundo. Sa ating ebanghelyo si Jesus ay tinukso din, at tatlong beses pa nga, pero hindi siya nahulog sa pagsubok. Ano ang ginawa ni Jesus na napagtagumpayan niya ang pagsubok?

Una, hindi niya kinausap ang manunukso, ang diyablo. Ang salita niya sa Diyablo ay Salita ng Diyos na galing sa Bibliya at pinalayas niya siya. Samantalang si Eba ay nakipagchikahan pa sa ahas, kaya nahulog siya sa pagsubok. Pangalawa, si Jesus ay nasa disyerto. Ito ay isang lugar ng penitensiya at panalangin. Nagpenitensiya si Jesus. Nag-ayuno siya sa disyerto kaya ang unang tukso sa kanya ay tungkol sa pagkain. Siya ay nagdasal ng apatnapung araw. Sa halip, si Adan at si Eba ay nag-go-goodtime sa Paraiso. Ineenjoy nila ang magandang Paraiso na kinalalagyan nila. Hindi sila handa sa pagsubok. Pangatlo, ang palaging sagot ni Jesus sa pagsubok ay ang Salita ng Diyos. Alam ni Jesus ang Bibliya at alam niya ang tamang pag-unawa dito. Ang Diyablo ay gumamit din ng Bibliya pero hindi tama ang kanyang application dito. Ginamit niya ang Bibliya para sa sariling kapakanan. Totoong hindi siya pababayaan ng Diyos. Iingatan siya ng anghel ng Diyos kaya magpabaya na lang ba siya? Magpatihulog na lang ba siya mula sa taluktok ng Templo upang maranasan ang tulong ng Diyos? Hindi lahat na gumagamit ng Bibliya ay tama. Ngayong panahon ng kuwaresma hinihikayat tayo na palakasin ang ating buhay espirituwal tulad ng ginawa ni Jesus: Magdasal, mag-ayuno o magpenitensiya at magbasa ng Bibliya. Sa pagbabasa ng Salita ng Diyos nabibigyan tayo ng wastong pang-unawa sa mga pamamaraan ng Diyos at nabibigyan din tayo ng lakas na labanan ang tukso.

Ang mga tukso kay Jesus ay iyan din ang mga tukso sa atin. Naranasan ni Jesus na dinadaanan natin bilang tao. Tinutukso tayo sa laman, na pagbigyan ang hilig ng laman. Kaya nandiyan ang tukso sa katakawan sa pagkain, ang bisyo sa pag-iinom o sa paninigarilyo. Nandiyan ang tukso sa sex at sa droga. Iyan din ang tukso kay Jesus na gamitin ang kanyang pagka-Diyos na punan ang pangangailangan at tawag ng laman.

Tinutukso tayo sa kayabangan. Gusto natin na tayo ay maging sikat at hahangaan ng mga tao. Hinahanap-hanap natin na magkaroon tayo ng maraming LIKES sa facebook, gumagastos tayo ng labis para magpaganda, ayaw natin na tumanda kasi magiging laos na tayo. Iyan ang tukso kay Jesus – magpasikat – tumalon siya mula sa taluktok ng Templo. Makikita ng lahat na siya ay pinapatnubayan ng mga anghel ng Diyos. Madali na siyang magkaroon ng mga taga-hanga sa kanyang misyon. Madali siyang makilala ng lahat.

Tinutukso tayo ng kayamanan at kapangyarihan. Gusto natin na yumaman kasi ma-sosolve ang mga problema natin kung mayaman na tayo. Magiging masaya tayo kung mayaman tayo. Kung mayaman tayo magiging makapangyarihan tayo. Makukuha natin ang gusto natin. Matatakot ang mga tao sa atin at susunod sa atin. Kaya ang mga politiko ay gumagastos ng malaki para lang manatili sa poder at ginagamit naman nila ang kanilang poder upang lalo pang magpayaman. Kaya nga ang mga politiko ay kumakapit sa puwesto sa politika – kaya mayroon tayong political dynasty. Gusto nila na ang pamilya nila ang may hawak ng kapangyarihan at kayamanan. Talagang marami ay sumasamba sa Diyablo para maging mayaman at makapangyarihan. Handa silang manloko, mandaya, magsinungaling at pumatay pa para sa kapangyarihan at sa pera. Iyan din ang tukso kay Jesus – na mapasakanya ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan. Maliwanag kay Jesus na ang Diyos lang ang paglilingkuran, siya lang ang masusunod at hindi ang tugtog ng pera. Kaya sinabi din niya na hindi tayo makapaglilingkod sa dalawang Panginoon, sa Diyos at sa pera.

Tinukso si Adan at si Eba at sila ay nagkasala. Tinukso si Jesus at hindi siya nagkasala. Napatunayan niya sa atin na siya ay tapat. Noong tinukso si Adan at si Eba ang kanilang iniisip ay ang kanilang sarili: maganda ang punong kahoy, masarap ang bunga nito, at gusto nilang magkaroon ng karunungan ng Diyos upang mapantayan ang Diyos. Nabigo sila kasi ang lahat ng tukso ay kasinungalingan. Hindi nangyayari ang kanyang ipinapangako. Hindi sila sumunod sa Salita ng Diyos. Ang sinunod nila ay ang kasinungalingan ng tukso. Si Jesus ay naging tapat sa Diyos kasi naging tapat siya sa Salita ng Diyos. Alam ni Jesus ang Salita ng Diyos at ito ay kanyang sinusunod. Kaya nauuwi ang usapin sa pagsunod o sa pagsuway. Sumusunod ba tayo sa Salita ng Diyos o sumusuway dito? Sana ngayong kuwaresma dahil sa ating pagdarasal, pag-pepenitensiya, pagbabasa ng Bible at pagkawanggawa mas maging maliwang sa atin ang kalooban ng Diyos at ito’y sundin natin. Magiging malakas tayo dahil sa mga tukso at pagsubok na dumadating sa ating buhay.

Sino ba ang sinusunod ng ating pagkatao – ang lumang Adan o ang Bagong Adan na si Jesukristo? Nandamay si Adan. Dahil sa kanyang pagsuway pumasok ang kasalanan sa lahat ng mga tao, at ang kasalanan ay nagdala ng kamatayan. Pero mas malakas si Jesus kaysa sa Lumang Adan. Sa pagiging masunurin ni Jesus nabura ang lahat ng pagkakasala. Ang pagkamatuwid ng isang tao ay nagdulot ng kapatawaran at buhay sa lahat. Mas makapangyarihan si Jesus kaysa kay Adan. Kaya huwag tayo magpadala sa tukso, sa halip gamitin natin ang pagsubok ng tukso upang maging malapit sa Diyos.
Mayroon po tayong second collection ngayon upang tulungan natin ang Santo Papa sa pagpapaaral ng mga magiging pari at magiging madre sa buong mundo, lalo na sa mga lugar na mahihirap. Nakakatanggap din ang ating Bikaryato ng tulong sa Santo Papa para sa ating mga seminarista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 158,336 total views

 158,336 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 180,446 total views

 180,446 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 253,266 total views

 253,266 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 244,571 total views

 244,571 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily April 5, 2026

 4,698 total views

 4,698 total views Easter Sunday Cycle A Acts 10:34. 37-43 Col 3:1-4 Jn 20:1-9 Happy Easter sa inyong lahat! Ito ang pinakadakilang kapistahan sa buong taon

Read More »

Homily March 29 2026

 6,343 total views

 6,343 total views Palm Sunday of the Lord’s Passion Cycle A Alay Kapwa Sunday Is 50:4-7 Phil 2:6-11 Mt 26:14-27:60 Ang Linggong ito ay kilala na

Read More »

Homily March 22, 2026

 6,319 total views

 6,319 total views 5th Sunday of Lent Cycle A Ezekiel 37:12-14 Rom 8:8-11 Jn 11:1-45 Naglalaban ang puwersa ng buhay at ang puwersa ng kamatayan. Nararanasan

Read More »

Homily March 15, 2026

 6,319 total views

 6,319 total views 4th Sunday of Lent Cycle A Laetare Sunday 1 Sam 16:1.6-7.10-13 Eph 5:8-14 Jn 9:1-41 Napansin ba ninyo na 25 days na ang

Read More »
Scroll to Top