Bisto Proyekto, inilunsad para bantayan ang mga anomalya sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,011 total views

Inilarawan ni Adamson University President, Vincentian Fr. Danilo Franklin Pilario, na isang makabagong anyo ng “people power” ang paglulunsad ng digital platform na maglalayong tutukan at bantayan ang mga anomalya sa pamahalaan.

Ito ang Bisto Proyekto na inilunsad sa Adamson University nitong February 21, 2026, na pinagsama-samang inisyatiba ng iba’t ibang sektor sa pangunguna ng Taongbayan Action for Participatory, Accountable and Transparent Governance (TAPAT) at BetterGov.ph, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), at Mayors for Good Governance (M4GG).

Ayon kay Fr. Pilario, hindi lamang mga eksperto o opisyal ang maaaring makilahok sa pagbabantay kundi maging ang mga karaniwang mamamayan na direktang naaapektuhan ng mga palpak o kuwestiyonableng proyekto ng pamahalaan.

“Kung meron man kayong [mapag-alamang] mga katiwalian, lalong-lalo na sa flood control projects and DPWH projects, pwede na po natin gamitin ang Bisto Proyekto. At kahit sino—estudyante, ordinaryong mamamayan, nanay— pwede ninyong i-monitor ang mga projects na meron sa inyong kapaligiran,” pahayag ni Fr. Pilario sa panayam ng Radyo Veritas.

Maaaring ma-access ang platform sa pamamagitan ng website na bisto.ph kung saan makikita ang detalye ng mga proyekto at maaaring magsumite ng ulat sakaling may mapansing iregularidad.

Sinabi pa ni Fr. Pilario na sa ganitong paraan ay napalalakas ang pakikilahok ng taumbayan sa pagsusulong ng transparency at pananagutan ng pamahalaan.

Ang paglulunsad ng nasabing online platform ay bahagi rin ng paggunita sa ika-40 ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na naganap noong Pebrero 1986.

“Sa pamamagitan nito, mabubuhay natin ang people power dahil ang people power ay hindi lang nangyari noong 1986. Dapat magpapatuloy sa araw-araw nating pamumuhay. Kaya tuloy ang people power, mabuhay ang Bisto Proyekto,” saad ni Fr. Pilario

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 150,758 total views

 150,758 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 180,982 total views

 180,982 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 207,628 total views

 207,628 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 302,601 total views

 302,601 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 313,777 total views

 313,777 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top