Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buhayin muli ang diwa ng EDSA People Power

SHARE THE TRUTH

 315 total views

Ito ang naging pahayag ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa isasagawang “national day of unity and rage against Marcos hero’s burial sa ika – 25 ng Nobyembre ng kasalukuyang taon.

Hinimok ni Bishop Mallari ang mga administrator ng mga paaralan lalo ng mga Catholic schools and universities sa bansa na makilahok sa mga mapayapang pagkilos laban sa pagtutol sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Bishop Mallari, mahalagang ipamulat sa mga kabataan ang madilim na kasaysayan ng Martial Law upang hindi na ito maulit pang muli lalo na ang mga paglabag sa karapatang pantao.

“Sana itong pangyayaring ito, maibalik itong rally na ito maibalik sa ating mga kabataan, ibalik sa atin yung nangyari sa EDSA kababaang loob, yung respeto sa isa’t isa, yung pagtutulungan na naranasan natin noon. Together as a people tumayo tayo laban sa dikturya sa Martial Law that is against the human rights. Lahat po ng nakita natin noon kung paano naging matatag ang pagkakatayo ng Sambayanang Pilipino para sa bayan at para sa kinabukasan ng ating mga kabataan,” pahayag ni Bishop Mallari sa panayam ng Veritas Patrol.

Nag – alay rin ng panalangin si Bishop Mallari sa mapayapang Black Crusade Rally sa Biyernes na manindigan muli ang taumbayan sa katotohanan at mamayani ang pagmamahal sa bayan sa ikabubuti ng kinabukasan ng mga kabataan.

“Panginoon, salamat po sa biyaya na makibahagi sa malawakang protesta na gagawin sa darating Biyenes. Hinihiling po namin sa inyo ipagkatiwala po namin sa inyo ang gagawin namin sa Biyernes. Humihingi po kami ng wastong pag – iisip, wastong pag – intindi sa mga pangyayari sa aming bayan. At sana ang ginagawa namin ay talagang pagpapahayag ng tunay na malasakit para sa aming bayan para sa kinabukasan ng maraming mga kabataan. Hinhiling namin sa inyo Panginoon na hindi mamatay yung apoy ng pagiging makabayan, apoy ng pagnanais na manatili sa harap ng mga pagsubok na tumayo para sa makabubuti sa aming bayan,” panalangin ni Bishop Mallari sa ikapapayapa ng kilos protesta sa Biyernes.

Ang patagong paglilibing sa LNMB kay dating pangulong Marcos noong Biyernes ay nagbunsod ng mga pagkilos sa People Power Monument na dinaluhan ng halos 10,000 katao mula sa mga Catholic schools and universities sa Metro Manila.

Nauna na ring sinabi ni CBCP – Permanent Committee on Public Affairs chairman at Lipa Archbishop Ramon Arguelles na ang diwa ng EDSA People Power ay mananatili kahit na nailibing ang dating diktador sa LNMB.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 39,586 total views

 39,586 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 55,674 total views

 55,674 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,163 total views

 93,163 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,114 total views

 104,114 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 64,361 total views

 64,361 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 90,176 total views

 90,176 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 130,732 total views

 130,732 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top