Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Partial judgment’, hiling sa Maguindanao massacre

SHARE THE TRUTH

 249 total views

Masakit pa rin sa mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang pangyayari lalo na at pitong taon na ang nakakalipas ngayong araw, wala pa ring katarungang nakakamit.

Ayon kay Maguindanao governor Esmael “Toto” Mangudadatu, patuloy pa rin silang umaasa kaya’t nanawagan ito sa mga hukom na humahawak ng kaso na magsagawa ng ‘partial judgment’.

Pahayag ni Mangudadatu, malakas ang mga ebidensiya laban sa mga akusado kaya’t maari na maglabas ng paunang desisyon upang makamit ang katarungan.

“Talagang masakit malungkot at patuloy na inaasam-asam ang mailap na hustisya na hinahangad namin na balang araw ay makukuha namin.

Kahit magkaroon sana ng partial judgment mula sa mga hukom, ang akin lamang kung may natapos na at malakas naman ang ebidensiya laban sa mga pangunahing suspek bakit hindi sila mag partial judgment,” pahayag ni Mangudadatu sa panayam ng Radio Veritas.

Nasa 26 mula sa 58 na biktima ng Maguindanao massacre ang kapamilya ni governor Mangudadatu kabilang na ang kanyang asawa at mga kapatid.

Tatlumpu’t dalawa naman sa mga biktima ay mga mamamahayag.

Sa 197 na orihinal na akusado 15 dito mga mga Ampatuan, 114 na ang naaresto. Kabuuang 112 na mga akusado naman ang binasahan ng sakdal, habang apat naman sa kanila, kabilang na si Andal Ampatuan Sr. ang namatya sa sakit habang nakakulong.

Una ng nanawagan si Ozamiz Bishop Martin Jumoad ng katarungan na dapat ipagkaloob sa mga biktima ng krimen at pagdusahan naman ng mga akusado ang karampatang parusa na ipapataw sa kanila ng batas.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 84,226 total views

 84,226 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 92,001 total views

 92,001 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 100,181 total views

 100,181 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 115,711 total views

 115,711 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 119,654 total views

 119,654 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,886 total views

 89,886 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,273 total views

 86,273 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 32,909 total views

 32,909 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 32,920 total views

 32,920 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 32,924 total views

 32,924 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top