Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapakanan ng manggagawa, hindi ng personal na agenda

SHARE THE TRUTH

 622 total views

Mga Kapanalig, napakalawak at madamdamin ng mga naging reaksyon mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa naging resulta ng halalan sa Estados Unidos. Sa loob at labas ng Amerika, marami ang nagpahiwatig ng kanilang mga pangamba at agam-agam sa pagkapanalo ni Ginoong Donald Trump bilang susunod na pangulo ng bansang iyon.

Sa mga Pilipino, may dalawang sektor na lubos na nababahala. Isa ay ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Amerika na hindi pa nabibigyan ng pahintulot para ligal na manirahan doon.  Noong panahon ng kampanya, itinuring sila ni US President-elect Trump na illegal immigrants.  Ang ikalawang nababahalang sektor, dito naman sa Pilipinas, ay ang mga nagtatrabaho sa mga BPO o business process outsourcing.  Sa kasalukuyan, ang kabuuang kita ng mga nagtatrabaho sa mga BPO sa ating bansa ay nahigitan na raw ang kabuuang halaga ng remittances ng mga OFW.  Magkalayo man sila ng bansang kinalalagyan—ang isa ay sa Amerika at ang isa sa Pilipinas—nagkakatulad ang kanilang sitwasyon sapagkat ang hanapbuhay ang kanilang ipinangangambang maapektuhan ng maaring maging polisiya ng gobyerno ng Amerika sa ilalim ng pamumuno ni Ginoong Trump.

Dahil sa tinatawag nating globalisasyon, sadyang magkakaugnay na ang mga bansa ngayon hindi lamang dahil sa pagpapalitan ng mga produkto at capital, kundi dahil sa pangingibang-bayan ng trabaho o labor migration. Ang mga namumuhunan sa ibang bansa ay maaring sa Pilipinas ipagawa ang kanilang mga operasyon dahil mas mura dito ang pasahod, at ito na nga ang dahilan kung bakit dumarami ngayon ang mga BPO sa Pilipinas. Mas mura ang pasahod sa ating bansa kumpara sa pasahod sa mas mayayamang bansa tulad ng Amerika, habang  mataas naman ang kahusayan ng mga manggagawa hindi lamang sa wikang Ingles kundi pati sa sipag, pasensya, at attitude sa trabaho na mahalaga sa mga kumpanyang banyaga.

Isang madalas na ring napag-uusapan ngayon ay ang isyu ng kontraktwalisasyon sa ating bansa. Isang laganap na kalakaran sa mga kumpanya ay ang pagbibigay ng lima o anim na buwang kontrata sa mga manggagawa upang hindi sila maging permanenteng empleyado na kailangang bigyan ng mga benepisyong ipinag-uutos ng ating batas. Kapag natapos ang kontrata, o end of contract o ENDO, wala na naman silang trabaho.

Ang mga nasabing kalagayan ng mga manggagawang Pilipino, kasama na rin ang mga magsasaka at mga mangingisda sa kanayunan, ay may kaugnayan sa kawalan ng katiyakan sa hanapbuhay.

Sa pananaw ng ating Simbahan, ito ang isa sa pinakamalubhang suliranin ng kasalukuyang sistema ng ekonomiya sa mundo. Ayon sa turo ng Santa Iglesia, ang hanapbuhay o paggawa ay isang pangunahing karapatan. Ang karapatang ito ay nakaugat sa pagkakaroon ng dignidad ng bawa’t tao. Makailan na ring nagpahayag si Pope Francis ng kanyang pagkabahala sa pagdami ng mga kabataang hindi makahanap ng trabaho, kahit sa mga mauunlad na bansa. Inulit niya ang turo ni Santo Papa Juan Pablo II na nagsasabing hindi sapat ang pagtanggap ng welfare o ayuda mula sa estado; ang pagkakaroon ng hanapbuhay ang nagbibigay ng dignidad sa tao, sapagkat sa pamamagitan nito ay nakikilahok siya sa buhay ng lipunan at nagkakaroon siya ng boses dito.

Dahil ang pangkabuhayang kaayusan sa mundo ngayon ay nagdudulot ng maraming problema ukol sa paggawa, sinasabi ng ating Simbahan na ang mga gobyerno ng iba’t ibang bansa ay may tungkuling magpairal ng mga patakarang lilikha ng sapat na oportunidad upang ang lahat ay magkaroon ng maayos na hanapbuhay.

Mga Kapanalig, malalaki ang mga pwersa sa pandaigdigang kaayusan na nagtatakda ng magiging kalagayan ng mga manggawang Pilipino sa loob man o labas ng ating bansa. Dahil dito, napakahalagang sa pakikitungo ng ating pamahalaan sa gobyerno ng mga dayuhang bansa ay lagi nitong isasaalang-alang ang kapakanan ng ating mga manggagawa, hindi ang pansariling interes at agenda.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 7,846 total views

 7,846 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 18,824 total views

 18,824 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 52,275 total views

 52,275 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 72,730 total views

 72,730 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 84,149 total views

 84,149 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 7,847 total views

 7,847 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 18,825 total views

 18,825 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 52,276 total views

 52,276 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 72,731 total views

 72,731 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 84,150 total views

 84,150 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 98,485 total views

 98,485 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 105,808 total views

 105,808 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 115,030 total views

 115,030 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 77,932 total views

 77,932 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 85,991 total views

 85,991 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 106,992 total views

 106,992 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 66,995 total views

 66,995 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 70,687 total views

 70,687 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 80,268 total views

 80,268 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 81,930 total views

 81,930 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top