Sexual Harassment at Online Bullying

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 777 total reads

Isa sa mga nakaka-gulat na phenomenon ngayon o pangyayari sa ating modernong buhay ay ang pagdami ng mga insidente ng pambabastos at pagyurak sa pagkatao ng ating mga kababaihan sa social media.

Ang social media universe ay tila hindi na ligtas na mundo para sa mga kababaihan. Dito, nabubusulan ang tao, lalo na ang kababaihan, sa pamamagitan ng salita at banta na  hindi kayang sabihin ng karamihan sa ‘totoong’ buhay.

Noong 2014, may isang pag-aaral na ginawa ang Demos, isang research and policy organization sa United Kingdom.  Nakita ng kanilang “Misogyny on Twitter”  na sa pagitan ng December 26, 2013 at February 9, 2014, umabot ng anim na milyong beses ang pag-gamit ng mga salitang ingles na “slut” o “whore” sa Twitter.  Bente porsyento ng mga nakita nilang insidente ng pag-gamit ng mga salitang ito ay nagbabanta ng karahasan.  Kapanalig, walang pang dalawang buwan ang sakop ng pag-aaral na ito, at sa twitter lamang, hindi pa kasama ang facebook at iba pang social media apps.  

Ang nakakagulat din sa mga nakita ng report na ito, sa buong mundo, mahigit pa sa 200,000 agresibong tweets ang inilaan para sa mga 80,000 katao mula Disyembre 26 2013 hanggang February 9, 2014. Sobra pa sa kalahati ng mga nag-akda ng mga nagbabantang tweets na ito ay babae rin.

Kapanalig, nitong nakaraang araw, nakita muli natin ang ganitong pangyayari sa ating bansa. Nakita rin natin na ang pambabastos sa babae online ay hindi lamang tumatarget sa mga celebrities at political personalities. Kahit mga ordinaryong mamamayan, gaya ng mga estudyante, ay target din ng mga online bullies. Anong mga paraan ang dapat bang gawin ng mga mamamayan upang matigil na ito?

Ang impact ng online sexual harassment at cyber-bullying kapanalig, ay matindi. Marami na sa buong mundo ang tinulak nito sa depression, at sa suicide din. Walang ligtas kapanalig, at tila walang lunas, para sa mga biktima, ang pagiging biktima ng nakalalasong “hate” posts sa social media. Kahit pa burahin ang mga posts na ito, isang screen capture lamang, habang buhay na maari itong umiikot sa Internet. At kay hirap itong pigilin.

Ang kalayaan sa pamamayahag ay may kaakibat na responsibilidad. Tila nakakalimutan ito ng maraming mga online cyber bullies, na biglaang nagkaroon ng lakas ng loob na mang-api ng iba sa likod ng kanilang mga computer at gadget screens. Dapat sila ay ma-expose at dalhin sa hustisya.

Ang Justice in the World mula sa World Synod of Catholic Bishops noong 1971 ay may pahayag na akma sa ating sitwasyon ngayon. Nawa’y bigyan tayo nito ng inspirasyon upang kumilos laban sa kabastusan at pang-aapi sa social media: Ang pagkilos upang mapalaganap ang katarungan at “social transformation” ay bahagi ng ating obligasyon ng pagpapalaganap at pagsasabuhay ng Mabuting Balita ni Kristo. Kapanalig, ang paglaban sa misogynistic posts ay isang “act of love.” Ito ay paglaban sa lahat ng pagkamuhi at “hate” na laganap na sa social media.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 24,934 total reads

 24,934 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 58,946 total reads

 58,946 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 95,429 total reads

 95,429 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,641 total reads

 113,641 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 196,652 total reads

 196,652 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 24,935 total reads

 24,935 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 58,947 total reads

 58,947 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 95,430 total reads

 95,430 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,642 total reads

 113,642 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top