Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Soberenya ng Pilipinas, igalang ng Amerika at China

SHARE THE TRUTH

 357 total views

Nanawagan ang Non-Government Organization na Defend Zambales sa Amerika at China na irespeto ang Pilipinas sa usapin ng pangangalaga sa West Philippine Sea.

Ayon kay Angelito Jaban – Coordinator ng grupo, labis na naiipit ang bansa sa girian ng dalawang malalaking puwersa at tiyak na wala itong kakayahan na labanan ang US at China.

“Ang nangyayaring awayan, ay awayan ng dalawang super powers ng malalaking bansa, so sana irespect yung totoong soberanya yung right to self determination ng Pilipinas, irespect nila pareho, pabayaan ang Pilipinas na magpasya sa kanyang sarili,” pahayag ni Jaban sa Radyo Veritas.

Pakiusap pa nito sa dalawang bansa na igalang ang karapatan ng Pilipinas na pangalagaan ang malawak na marine biodiversity sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal.

Habang nasa Lima,Peru ang pangulong Rodrigo Duterte para sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit, inihayag ng pangulo na plano nitong maglabas ng Executive Order na magdedeklara sa lagoon na nasa loob ng 150 km2 Panatag Shoal o Sacarborough Shoal bilang Marine Sanctuary.

Kapag naipatupad ito, hindi na maaaring makapangisda ang mga Filipino at ang mga Chinese sa isla at sa malalalim na bahagi na lamang ng karagatan maaaring manghuli ng isda.

Dahil dito, iginiit ni Jaban, na dapat pag-aralan ng pamahalaan at timbangin ang magiging epekto ng deklarasyon ng Panatag Shoal bilang Marine Sanctuary sa mga mangingisda dito.

“Magandang mapag-isipan para saan, para kanino ba itong sanctuary na ito, at ano ba ang mga polisiya o batas na nasa likod nito, at saan patutungo ito?” dagdag ni Jaban.

Samantala, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na positibo ang tugon ng China sa plano ni President Duterte na pagpapaigting ng pangangalaga sa karagatan at sa buhay na naririto.

Una nang binigyang diin ni Pope Francis sa laudato Si ang kahalagahan ng pagtutulong tulong ng bawat bansa upang mapangalagaan ang kalikasan laban sa unti-unting pagkasira nito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 9,302 total views

 9,302 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 25,391 total views

 25,391 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 63,154 total views

 63,154 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 74,105 total views

 74,105 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 18,939 total views

 18,939 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 161,770 total views

 161,770 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 105,616 total views

 105,616 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top