Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 125,421 total reads

Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Sa sobrang kapalpakan ng mga flood control projects sa kabila ng 548 bilyong pisong ibinuhos ng kanyang administrasyon, iniisip na raw ni PBBM na sampahan ng kasong economic sabotage ang mga nasa likod ng mga ito. 

Binanggit niya ito matapos inspeksyunin noong isang linggo ang isang flood control project sa Baliuag, Bulacan. Nagkakahalaga ng 55.7 bilyong piso ang reinforced concrete river wall sa isang bahagi ng ilog sa lugar. Nagsimula raw ang proyekto noong Pebrero 2025 at matatapos ang kontrata ng developer sa Oktubre ngayong taon. Sa dokumentong ipinasa ng Department of Public Works and Highways (o DPWH), nakumpleto na ang river wall noong June 2025. Nang dumalaw si PBBM sa lugar, wala siyang nadatnan na river wall. Walang ni isang hollow block, walang semento, walang anumang equipment. 

Isa ang proyektong ito sa Baliuag, Bulacan sa mga tinatawag na ghost projects. Sa hearing na isinagawa rin noong isang linggo ng Senate Blue Ribbon Committee, mismong si DPWH Secretary Manuel Bonoan ang nagsabing sa Bulacan pa lang, ang mga ghost flood control projects ay may kabuuang halaga na 5.9 bilyong piso. Napakalaking halaga nito! Kung natuloy lang ang mga proyektong ito, hindi malulubog sa baha ang napakaraming bayan at lungsod sa Bulacan. Kung may unang dapat magalit sa isyung ito, ito ay ang mga taga-Bulacan. Sumama na rin tayo bilang mga taxpayers.

Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act o ang pambansang budget para sa taóng ito, isa ang mga flood control projects sa mga may pinakamalaking alokasyon—346.6 bilyong piso, mga Kapanalig! Mas mataas ito sa 224.8 bilyong piso noong 2024. Sa ipinasang National Expenditures Program para sa 2026, humihiling ang administrasyon ng 275 bilyong piso para sa mga flood control projects. 

Napakalalaking halaga ng mga ito, pero bakit kalbaryo pa rin ang dinaranas ng mga kababayan natin sa iba’t ibang probinsya tuwing panahon ng tag-ulan? Minsan nga habagat lang ang nagdadala ng ulan at hindi bagyo, pero lubog sa baha ang maraming lugar.

Hindi na dapat pag-isipan ni Pangulong BBM ang pagsasampa ng kasong economic sabotage sa mga tiwaling kontratista at mga kasabwat nilang opisyal sa gobyerno. Gawin na niya ito agad-agad—forthwith din! Ilagay niya ang galit niya sa pagpapanagot sa mga nasa likod ng maanomalyang mga flood control projects. 

At hindi lang sana sa mga taga-DPWH at mga kontratista. Hindi malayong nakikinabang din ang mga halal na opisyal—mula sa senador at gobernador hanggang sa mga kongresista at mayor. Bilang nagbubusisi at nag-aapruba ng pambansang budget, malamang na nalalaman ng mga nasa Kamara at Senado ang detalye ng mga proyektong popondohan ng pambansang budget. Hindi naman natin sinasabing lahat ng halal na local officials ay kumikita rin sa kickback mula sa mga flood control projects, pero dapat ding matunton kung sinu-sino ang mga gobernandor, kongresista, at mayor na nakakasakop sa mga lugar na pinagtatayuan ng mga flood control projects, kasama ang mga ghost projects. Dahil dito, hindi dapat ang Kongreso—kasama ang Senado—ang nag-iimbestiga sa mga maanomalyang proyektong kontra-baha.

Mga Kapanalig, bumabaha sa katiwalian ang mga flood control projects ng gobyerno—katiwaliang ayon nga sa Deutoronomio 16:19 “ay bumubulag sa matatalino at nagpapahamak sa mga taong matuwid.” Sabi pa sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan, sinisira ng korapsyon ang ating mga institusyon na ang pangunahing tungkulin ay serbisyuhan ang taumbayan. Dahil sa korapsyon, napupunta sa bulsa ng iilan ang pondong dapat ginugugol sa mga pampublikong serbisyo. Kitang-kita natin ito sa mga maanomalyang flood control projects. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 120,869 total reads

 120,869 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 154,198 total reads

 154,198 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 186,342 total reads

 186,342 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 252,405 total reads

 252,405 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 263,897 total reads

 263,897 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Nagmamahal, Judith

 120,870 total reads

 120,870 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 154,199 total reads

 154,199 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 186,343 total reads

 186,343 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 252,406 total reads

 252,406 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »
Scroll to Top