Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bumoto ng may pananagutan, hamon ng CMSP sa mga botante

SHARE THE TRUTH

 5,340 total views

Higit kailanman ay dapat bigyang pagpapahalaga ng mamamayan ang pag-iral ng katarungan at pananagutan sa lipunan, at marapat na maisagawa ito lalo na sa pamamagitan ng mahusay na pagpili ng mga maihahahal na pinuno ng bayan sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Ito ang mensahe ng homiliya ni Fr. Angel Cortez, OFM – co-executive secretary Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa misang ginanap sa Radyo Veritas Chapel.

Inihalimbawa ng pari ang nangyaring pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) sa pamamagitan ng International Police kaugnay na rin sa kasong crime against humanity dulot ng mga naganap na extrajudicial killings at pang-aabuso sa kapangyarihan sa ipinatupad na war on drugs ng kanyang administrasyon.

“Kung ikaw ay isang kapamilya ng isang biktima ng hindi makatarungang pagpatay, marahil nagdiriwang ka ngayon. Marami sa kanila ang matagal nang sumisigaw para sa hustisya laban sa paniniil ng nakaraan. Kaya naman, ang nangyari kahapon ay isang araw ng tagumpay para sa kanila,” ani Fr. Cortez.

Ang pag-aresto kay Duterte ay nagdulot ng magkakahalong reaksyon mula sa publiko—may mga natuwa sa pag-usad ng hustisya, ngunit mayroon ding naghayag ng pagkadismaya, lalo na mula sa kanyang mga tagasuporta.

Binigyang-diin ni Fr. Cortez ang kahalagahan ng pagsuri sa katotohanan sa halip na mahulog sa emosyonal na paninindigan.

“Nakakalungkot isipin na sa ating bansa, napakabilis nating makalimot. Kapag tayo ay nasa maginhawang kalagayan, madalas hindi natin iniisip ang nakaraan. Ngunit hindi ba natin dapat tanungin kung ano ang tunay na batayan ng isang pamahalaang matuwid?” dagdag niya.

Sa nalalapit na halalan, nanawagan si Fr. Cortez sa mga mamamayan na suriin ang kanilang mga pinipiling kandidato batay sa moralidad, kakayahan, at malasakit sa bayan. “Marami nang naganap sa ating bansa na dapat nating pagnilayan upang piliin ang mga tunay na nararapat. Ngunit sa kabila ng lahat, tila marami pa rin sa atin ang hindi nakikita ang mga palatandaang ito.”

Ipinaalala rin niya na bagaman ang Simbahan ay hindi maaaring iendorso ang sinumang kandidato, may tungkulin itong ipahayag ang katotohanan at hikayatin ang publiko na bumoto nang may pananagutan. “Ang naganap kahapon ay isang hakbang patungo sa moralidad—isang patunay na may pag-asa pa para sa hustisya. Isang senyales na may umiiral pa ring proseso ng batas, kahit sa panahong maraming mahihirap ang naaapi at maraming tinig ang hindi pinakikinggan.”

Sa kabila ng kontrobersya sa mga kaso ni Duterte, sinabi ni Fr. Cortez na hindi ito isang personal na laban, kundi isang pagkakataon upang ipakita na walang sinuman ang dapat na hihigit sa batas. “Ito ay hindi isang paghihiganti. Ito ay isang proseso ng pagbibigay ng hustisya sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa marahas na patakaran ng nakaraan. Sa halip na mag-away-away, gamitin natin ang pagkakataong ito upang muling itaguyod ang isang lipunang may pananagutan.”

Hinimok din ni Fr. Cortez ang publiko na gamitin ang panahon ng Kuwaresma bilang pagkakataon upang suriin ang sarili at ang direksyon ng kanilang mga desisyon. “Pinili ko ba ang Pilipinas, o pinili kong maging makasarili? Pinili ko ba ang mga maimpluwensyang tao para sa aking sariling kapakinabangan, o isinantabi ko ang panawagan ng Mabuting Balita?”

Ayon sa pari ang tunay na pananampalataya ay dapat makita sa gawa. “Sa ating panalangin, tayo ay maging tapat. Sa ating pagkakawanggawa, hindi tayo dapat nagpapakitang-tao. Sa ating pag-aayuno, hindi ito dapat ipinagyayabang. Bagkus, gawin natin ito nang may taos-pusong malasakit para sa ating bayan.”

Bilang pagtatapos, ipinaalala ni Fr. Cortez na ang tamang pagboto ay isang sagradong tungkulin na dapat isagawa nang may konsensya at batay sa mga tunay na pangangailangan ng bayan.

“Kung sawa ka nang maging mahirap, kung sawang-sawa ka na sa hirap ng buhay at nagsusumikap kang umasenso, piliin mo ang matalinong pagboto. Isaalang-alang natin ang mga palatandaang ipinapakita sa atin ng kasaysayan, upang sa tamang panahon, makamtan natin ang tunay na pagbabago.”

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 14,081 total views

 14,081 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 25,059 total views

 25,059 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 58,510 total views

 58,510 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 78,898 total views

 78,898 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 90,317 total views

 90,317 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 5,832 total views

 5,832 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top