Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buwagin ang rice cartel, hamon ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 1,536 total views

Tugunan ang suliranin ng ‘rice cartel’ na pinapataas ang presyo ng bigas at pinahihirapan ang parehong mga consumer at suppliers.

Ito ang hamon ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa implementasyon ng Executive Order No.39 o (EO 39) na itinatakda sa 41-pesos ang presyo ng regular milled rice at 45-pesos naman ang presyo kada kilo ng regular milled rice.

Ayon sa Obispo, bagamat makakatulong sa mga consumer ang pagtatakda ng polisiya na abot kaya ng mga mahihirap ang presyo ng bigas ay nanatili pa ring problema ang rice cartel na kumu-kontrol sa halaga ng bigas.

Binigyan diin ng Obispo na matagal ng problema sa bansa ang rice cartel ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring napaparusahan sa kabila ng maraming imbestigasyon na isinagawa ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Matagal ng alam at pinag-uusapan ang rice cartel, ngunit mayroon na bang naparusahan o nakulong dahil dito? Sa EO, sino na naman ang magiging most vulnerable sa hulihan at parusahan, yun bang malalaking cartel o ang mga pipitsuging rice retailers sa mga palengke, na kumikita lamang depende sa volume ng kanilang benta kada araw.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Mallari na nararapat mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng rice cartel na nagmamanipula sa presyo ng bigas sa bansa.
Ikinalulungkot din ng Obispo ang kawalan ng kapangyarihan ng gobyerno na itakda sa abot kayang presyo ng bigas dahil sa Rice Tarification Law kung saan ang malalaking rice suppliers, traders at millers ang nakikinabang sa kakapusan ng supply nito sa merkado

“Ang RTL ay sinasabing mabuti sa mga magsasaka dahil sa dulot na modernization na mag-aangat ng produksyon, at mainam din sa mga consumers dahil sa mas murang bigas mula sa importasyon. Kung susuriin, kapag mataas ang ani, bumababa naman ang presyo ng palay, dahil ito ay idinidikta ng mga palay buyers at traders, Pagkatapos, ang bigas naman ay hindi maibebenta sa mababang presyo ng mga rice retailers, dahil mataas ang presyo ng pagka-angkat nito mula sa mga rice suppliers/traders o millers na siya ring nagse-set ng presyo. Sa dulo, tunay na nasa kamay ng mga dambuhalang traders ang kapangyarihan sa presyo ng palay at bigas at wala sa gobyerno, nang dahil sa RTL.” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Katulad ng mga grupong Federation of Free Farmers at Kilusang magbubukid ng Pilipinas ay patuloy din ang pagtutol ng Bantay Bigas sa pagpapairal ng Rice Tarrification Law.
Sa kabila ng pangakong tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng malilikom na buwis ng batas, ay umabot sa 19-bilyong piso ang ikinalugi ng mga lokal na magsasaka ng palay ng dahil sa pag-iral ng batas noong 2019.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,914 total views

 73,914 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,909 total views

 105,909 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,701 total views

 150,701 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,648 total views

 173,648 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 189,046 total views

 189,046 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 1,065 total views

 1,065 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 12,116 total views

 12,116 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 12,117 total views

 12,117 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

Caritas Philippines, pinarangalan ng DILG

 17,683 total views

 17,683 total views Lubos ang pasasalamat ng Caritas Philippines sa pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG). Iginawad ng Department of Interior and Local

Read More »

Higher Education Institutions, kinundena ng CEAP

 17,233 total views

 17,233 total views Kinundena ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang Higher Education Institutions (HEI) na sinasabing nagsisilbing ‘Diploma Mills’. Inaalok ng H-E-I ang

Read More »
Scroll to Top