Kamay ni Hesus TV, pinasinayaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,981 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng Kamay ni Hesus healing church ang pagpapalawak sa misyon ng simbahan gamit ang modernong teknolohiya.

Ito ang pahayag ni healing priest Fr. Joey Faller, ang founder at administrator ng Kamay ni Hesus sa Lucban Quezon sa pagpasinaya ng Altanghap TV ni Fr. J nitong September 9.

Nais ng pari na paigtingin ang pagbabahagi ng Salita ng Diyos at bigyang diin ang kahalagahan nito sa buhay ng tao.

“This Kamay ni Hesus TV ni Fr. J aims at strengthening our task of evangelization, conversion and renewal of the people, as well as magiging instrumento ng kagalingan,” pahayag ni Fr. Faller sa Radio Veritas.

Iginiit ni Fr. Faller na nararapat maging sentro ng buhay ang Salita ng Diyos na magsisilbing liwanag at gabay ng bawat isa sa paglalakbay.

Ginanap ang pagpasinaya sa Kamay ni Hesus Altanghap TV kasabay sa pagdiriwang ng ika – 34 na anibersaryo ng pagkapari ni Fr. Faller.

Naniniwala ang healing priest na sa mahigit tatlong dekadang pakikibahagi sa misyon ni Hesus sa bokasyon ng pagpapari ay higit na maabot ang mas maraming mananampalataya sa pamamagitan ng teknolohiya at internet lalo na sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Ikinagalak ni Fr. Faller na maglingkod sa healing ministry at binigyang diin na tanging si Hesus ang nagpapagaling sa mga may karamdaman at siya ay instrumento lamang ng Panginoon na nagsisilbing daluyan ng biyaya nang pagpapagaling.

September 9, 1989 nang maordinahan si Fr. Faller bilang pari at kasalukuyang pinangangasiwaan ang Kamay ni Hesus Healing Church kasama ang ilang pari ng Diocese of Lucena.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 118,402 total reads

 118,402 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 150,132 total reads

 150,132 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 251,958 total reads

 251,958 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 292,516 total reads

 292,516 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 308,048 total reads

 308,048 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top