Mamamayan, binalaan sa mapanganib na insecticides

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,774 total reads

Nagbabala ang BAN Toxics laban sa mga mapanganib na insecticides na ibinebenta sa Pasig Mega Market.

Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon, ang patuloy na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na insecticides ay malinaw na paglabag ng mga tindahan sa mga umiiral na patakaran laban sa mga produktong may sangkap na kemikal.

Kabilang sa mga ilegal na produkto ay ang Baolilai Aerosol Insecticide, Butiki Water-Based Multi-Insect Killer, Big Bie Pai (bi pay) Aerosol Insecticide na nagkakahalaga ng P100 hanggang P120, habang ang Wawang High Quality Mosquito Coil naman ay ibinebenta sa halagang P20 kada kahon.
“We call the attention of store owners to pull-out on shelves the banned and prohibited insecticides,” ayon kay Dizon.

Batay sa abiso ng Food and Drug Administration, hindi sumailalim sa anumang pagsusuri ang mga produkto kaya’t hindi matitiyak ang bisa, kalidad, at kaligtasan nito para sa mga mamimili.

Ayon sa FDA, ang paggamit ng mga substandard at mapanganib na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan, tulad ng skin irritation, respiratory disorders, brain damage, at organ failure.

Hinimok naman ng BAN Toxics si Pasig City Mayor Vico Sotto upang tutukan at tugunan ang paglaganap ng mga ipinagbabawal na produkto sa Pasig Mega Market, at maiwasang magdulot pa ng kapahamakan sa mamamayan.

“We will continue to conduct on-site monitoring on restricted consumer products in public markets and report to concerned authorities for law enforcement action. The health and welfare of the public should be the main concern especially by our local officials,” giit ng grupo.
Upang matiyak na nakarehistro sa FDA ang mga kagamitan sa tahanan, bisitahin lamang ang website ng ahensya sa www.fda.gov.ph, o kaya’y magpadala ng e-mail sa [email protected] sakaling makabili ng kahina-hinalang produkto.

Nakasaad sa Catholic Social Teaching na bagamat sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang ang negosyo nito’y hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan ng mamamayan at pinsala sa kalikasan.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 69,687 total reads

 69,687 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 120,125 total reads

 120,125 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 235,905 total reads

 235,905 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 356,485 total reads

 356,485 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 400,492 total reads

 400,492 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 239,193 total reads

 239,193 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top