Capacity to discern ng kabataan, tututukan ng Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 316 total views

Mahalagang matutukan ang paghuhubog sa mga kabataan upang magkaroon ng kakayahan na magnilay sa iba’t-ibang usapin bago gumawa ng anumang hakbang.

Ito ang ibinahagi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Rev. Fr. Kunegundo Garganta sa mga nararapat na tutukan ngayong Taon ng mga Kabataan kaugnay sa nalalapit na halalan.

Iginiit ng Pari na mahalagang magkaroon ng kakayahan ang mga kabataan na mapagnilayan at matimbang ang mga pamantayan na kanilang gagamiting batayan sa pagpili ng mga kandidatong ihahalal sa nakatakdang May 13, 2019 Midterm Elections.

Sinabi ni Fr. Garganta na dapat naka-ugat sa Salita ng Diyos ang pagninilay hindi lamang ng mga kabataan kundi ng lahat ng mga botante upang mailuklok ang mga opisyal na tunay na makatutugon sa mga problema sa lipunan.

“Paghubog sa kakayahang manila at magtimbang doon sa mga panukala natin, ano ba yung ating mga panukala, ano ba yung ating mga batayan at sukatan ng ating pagpili ng mga pagkakalooban ng ating boto, ng ating paghahalal, so bahagi po ito na palagay ko this is a universal call to help develop in our young people the capacity to discern, nag-uugat sa salita ng Diyos at pagkatapos titingnan ang kalagayan sa lipunan…” pahayag ni Fr. Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang umapela ng panalangin at suporta ang kumisyon para sa pagganap ng mga kabataang Filipino sa kanilang tungkulin sa pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan at pag-unlad ng lipunan.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC), 20-milyon mula sa 60 milyong rehistradong botante ay mga kabataan nasa edad 18 hanggang 35 taong gulang.

Samantala, nakatakda sa ika-23 hanggang ika-28 ng Abril ang National Youth Day sa Cebu City sa pangungunahan ng Archdiocese of Cebu at mga kinatawan mula sa 19 na national youth organizations at 86 na mga diyosesis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 170,637 total views

 170,637 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 192,747 total views

 192,747 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 265,071 total views

 265,071 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 255,377 total views

 255,377 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top