Cardinal David, nanawagan kay PBBM na bumuo ng National Truth and Reconciliation Commission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 72,834 total views

Nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo ng National Truth and Reconciliation Commission bilang hakbang tungo sa katotohanan, katarungan, at paghilom ng bansa mula sa karahasang idinulot ng drug war ng nakaraang administrasyon.

Sa liham, sinabi ni Cardinal David na patuloy pa ring nagdadalamhati ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa extrajudicial killings sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“These families did not only lose their loved ones-they lost their sense of security, their trust in public institutions, and, in many cases, their means of livelihood.” bahagi ng liham ni Cardinal David.

Binanggit ng kardinal ang mga testigong naglakas-loob na humarap sa Kongreso upang isalaysay ang sistematikong pagpatay at maling paggamit ng pondo ng bayan upang pondohan ito.

Gayunman, iginiit ni Cardinal David na nanatiling walang malinaw na resolusyon ang mga pagdinig dahil ito ay isinagawa lamang “in aid of legislation,” at hindi para sa pag-uusig ng mga sangkot.

Sa kabila nito, libu-libong kaso pa rin ang nananatiling nakatala bilang Deaths Under Investigation o DUI, na nagsisilbing panakip-butas sa mga mamamatay-taong binabayaran upang pumatay.

“The families of the victims, many of whom have lived in fear for years, have every right to demand that these cases be revisited and that answers be given. They deserve closure. Our institutions deserve restoration. Our nation needs healing,” giit ni Cardinal David.

Kaugnay nito, hiniling ni Cardinal David kay Pangulong Marcos ang pagbuo ng Truth and Reconciliation Commission na magsisilbing daan tungo sa katotohanan, pananagutan, at paghilom ng sambayanan.

Aniya, hindi ito paghihiganti, kundi pagtataguyod ng katotohanan at pagbabalik ng tiwala, dignidad, at katarungan ng bawat Pilipino.

“Truth-telling is not an act of reopening wounds— it is the only path by which wounds can finally heal. Silence breeds resentment and fear; truth restores dignity, trust, and moral coherence to our democracy,” saad ni Cardinal David.

Naniniwala ang kardinal na ang hakbang na ito ay magiging makasaysayang pagkakataon para ipakita ng pamahalaan na pinipili ng bansa ang katapangan, pananagutan, at pagkakasundo, sa halip na takot, kawalang-malasakit, at pananahimik.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 11,564 total views

 11,564 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 32,839 total views

 32,839 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 206,374 total views

 206,374 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 227,810 total views

 227,810 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top